55-Graduation

196 26 53
                                    

•EUNHA

"Done!"

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at napangiti ako sa aking repleksiyon. Suot ko ang aking unipormeng kakaplantsa pa lang. Makukuha ko na ang diploma ko mamaya...

I should be happy pero hindi, hindi ko maramdaman, napakalungkot ko ngayon. Jeon Jungkook, magpapakita ka ba mamaya?

"EUNHAAA!" Sigaw ni Mingyu pagkapasok niya sa apartment ko, nagulat ako dahil umiiyak siya.

"Bakit?! Anong nangyari?!" Tanong ko at agad na lumapit sa kanya, nang bigla niyang hinapit ang beywang ko at naiyakap ako ng mahigpit. Luh?!

"H-h-hoy Giant! Bakit ka umiiyak?" Nauutal kong tanong. Tae pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko. Ewan ko pero bigla nalang nagsi-tayuan ang mga balahibo ko, familiar ang pakiramdam na mayakap ng ganito kahigpit. Someone used to hug me like this...

Someone... tae naiiyak na ako.

Humiwalay si Mingyu mula sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang aking mga balikat. Pareho kaming umiiyak at pareho rin kaming natawa sa mga itsura namin.

"Masayang-masaya ako para sayo. Sa wakas, natupad mo na ang pangarap mo. Hindi mo sinayang ang sakripisyo namin ng Ina mo para--Aray!" Hinampas ko na siya sa noo bago pa niya matapos ang mga walang kwentang sinasabi niya.

"Ano kita tatay?!" Natatawang saad ko habang pinapahid ang mga luha ko. Yun pala ang dahilan ng pag-iyak ni Mingyu tapos ako, umiiyak dahil naalala ko siya.

"Nagday-off ako ngayon, sasamahan kita sa school niyo." Nakangiti niyang sabi. Hindi ako pumayag dahil baka maissue kami, baka masira ko ang image niyang 'True Man of South Korea' daw.

"Basta sasama ako, and you can't stop me!" Parang batang saad niya at may patampo-tampo pa siyang nalalaman. Napailing nalang ako, nakakastress talaga ang katigasan ng ulo ng ugok nato. Para siyang si--

BAKIT BA LAGI KO NALANG SIYANG NAAALALA KAY MINGYU?!







"Uy sino siya? Ang hot niya!"

"May bago na namang huhuthuting pera ang golddigger."

"Waah! Ang tangkad!"

"Bakit kasama niya ang babaeng yan?!"

Tanginaa sabi ko na.

"Woah! Ang daming mga cute dito Eunha!" Tuwang-tuwang sabi ni Mingyu kahit naririnig na niyang pinagbubulungan siya ng mga tao.

"Kaya lang hindi ko sila kayang yakapin lahat." Narinig kong bulong niya na parang isa iyong napakalaking problema. Ulol.

"Bilisan mo na nga lang maglakad." Naiinis kong sabi. Mas mabuti pa nga talagang hindi ko siya pinayagang sumama.

"Oo na, bilis mo namang magselos."

"Heh!"

"EUNHAAA!" Napangiti ako ng makita ko sila Yuju at Sowon na tumatakbo palapit sakin. They hugged me tightly.

"Congratulations!" Sabay nilang sabi at niyakap ako ulit.

"Hoy ano yan? Bakit di kami kasali? Ang unfair woi!" Napatingin kaming lahat sa direksyon nila Yerin.

"Syempre kasali kayo."

Sinimangutan lang nila kami at akmang lalakad na sila paalis nang hinila silang lahat ni Sowon. Nag-group hug kaming namin.

Dumating naman sila Jimin, Jhope, Taehyung, Jin, Namjoon at Suga. Parang may tinatago sila sa kanilang likuran maliban kay Suga.

"Yo Eunha! Congrats!" Bati ni Jin sabay bigay sakin ng isang bouquet of flowers.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now