35- Kookak

300 29 21
                                    

•EUNHA's

Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Jungkook pero parang nasa--

"Jungkook oppa! Nandito si Jungkook oppa!" sigaw ng isang bata na nakadungaw sa gate. Naglabasan ang maraming bata at mukhang tuwang-tuwa ng makita si Jungkook. Kumakaway sila sa kanya.

Nasa isang orphanage nga kami, House of Little Angels. Hindi ko alam pero parang nakapunta na ako sa orphanage nato, feels like deja vu. Ngunit hindi naman ito ang orphanage na tinirhan ko dati. Masaya naman ang buhay ko sa orphanage dati, marami akong mga kalaro noon kasama si Yuju.

Ngayong nasa isang orphanage ako, may nagfa-flash na imahe sa aking isipan. Isang batang lalaki na. .na nakikipaglaro sakin. Sumakit bigla ang ulo ko pero agad din namang nawala. Bakit ganun? Sino ang batang yun?

Umiling-iling nalang ako para mawala sa isip ko iyon. Pinagbuksan ako ni Jungkook at mukhang nagulat ang mga bata ng makita ako. Maybe I creep them out because of my face and dress? I should've changed my look earlier.

Nag-aalinlangan akong ngumiti at kinawayan sila. Ano ba yan, pati sa mga bata nahihiya ako.

Pero mabait ako sa mga bata, napaparamdam kasi nila na matangkad ako. Kaya masaya ako kapag may mga bata hahaha. Ang babaw ng kaligayahan ng mga pandak no?

They shiningly smiled back which really relieves me. Pero biglang nanindig ang mga balahibo ko, walanghiya kasi si Ilong, bumubulong nalang bigla.

"Mababait sila, let's go ipapakilala kita bilang fiancé ko."

"Hindi na kailangang magpanggap tayo sa harap ng mga bata Jungkook." He pouted and even intertwined his hands in my front. Nagpapacute ba siya?

"Please... I've promised them that I'll bring my girlfriend here. They want to have an ate, and I want you to be one Eunha."

Aww ang kyut. I wanted to slap his face but the children are watching us. Pumayag nalang ako kasi wala naman akong magagawa tsaka baka dagdagan ni Jungkook ang sweldo ko hihi.

Hinapit niya ang beywang ko at hinila papunta sa mga bata na parang mannequin. Nag-ayiee naman ang mga bata samin. Ang babata pa pero marunong ng kiligin.

"Hi kids!" bati niya sa mga bata at agad naman siyang niyakap ng mga ito kaya napahiwalay ako sa kanya, buti nalang.

Close na close siya sa mga bata, parang matagal na siyang bumibisita dito, baka kabilang ito sa mga charity works ng Jeon Company.

"Jungkook oppa, sino po siya?"
"Siya po ba ang girlfriend niyo?"
"Ang ganda niya po Jungkook hyung."
"Ilang taon na po siya hyung?"
" Jungkook hyung, kaano-ano niyo po siya?"

Mga tanong yan ng mga bata sa kanya na narinig ko lang din. Pinatahimik muna sila ni Jungkook at inakbayan ako. Hindi ako makapaniwala sa mga sumunod na sinabi niya.

"Kids, this is Jung Eunha. She's my fiancé. Magkaheight lang kayo pero magkaedad kami so call her eonnie or noona."

Ano daw? Magkaheight kami ng mga bata pero kaedad ko siya? Is that his way of implying that I'm too short?! What the--

Pinandilatan ko siya ng mga mata pero ningitian niya lang ako. Hindi ko siya magawang batukan kasi may mga bata sa harap namin. Hindi tuloy ako makabati sa mga bata kasi nahiya na ako sa sinabi niya at nang marinig ko ang mga feedback ng mga bata.

"Ahh akala po namin bagong orphan po siya."

mga bata, dati yun. Sadyang pinagkaitan lang ako ng height.

"Akala po namin elementary pa si eonnie."

mga bata, wag niyo namang ipamukha sakin na pandak ako. Mas mataas parin ako sa inyo.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now