20- By Hook or By Crook

440 27 15
                                    

•EUNHA's

"Arranged marriage is better stupid." Jimin.

"Love marriage nga bobo, kasi kusa-loob kayong magpapakasal. Sincere ang mga feelings nila at tiyak na masaya ang magiging pamilya nila." Jhope.

"Ganun din naman sa arranged marriage ah! May possibilidad paring masaya ang magiging pamilya nila at magmamahalan sila sa isa't isa. Ganun ang mga nangyayari sa wattpad!" Jimin.

"Wattpad yun gagu, realidad tayo!" Jhope.

"Hindi mo ba alam na may mga storya sa wattpad na hango sa totoong buhay?! Bobo ka?"Jimin.

Napailing nalang ako habang kumakain ng popcorn at nakikinig sa kanilang dalawa. Putragis wala akong papanigan sa kanila, umabot na sila sa wattpad naku.

Pumagitna sa kanila si Taehyung dahil halos maghalikan na sila Jimin at Jhope sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

"Diba sabi ko walang murahan? Disqualified na kayo mga maderpaker." Taehyung. Isa pa to, siya talaga ang nagsimula nito.

"Tumahimik ka, referee ka lang ulol." Jhope.

"Malayang debate toh gagu." Jimin.

Ewan ko lang kung nagdedebate pa ba sila o nag-aaway na. Nandito kaming apat sa rooftop kaya malaya silang mag ingay.

Mga siraulo kasi, ayaw akong lubayan saan man ako magpunta dito sa campus kahit sa library, kaya pinalayas kami ni Maam Librarian kasi ang iingay nila.

Pero masaya naman silang kasama. Tawa lang ako ng tawa ngayong araw, first time in my entire high school life. Ganito pala ang feeling kapag may barkada.

"Tatapusin ko na ang debateng ito. Pakinggan natin ang masasabi ng ating maganda ngunit maliit na panel." sabi ni Taehyung na ako ang tinutukoy. May maganda na sana sinamahan pa ng maliit tss.

"No, ituloy muna ang debate. Hindi pa ako tapos kumain." Bahala kayo basta kakain ako.

Yup, nilibre lang naman ako nitong tatlo kaya busog ako ngayon. Ang dami kasi eh, sayang naman kapag di ko ubusin.

"According to the bible, ang isang mag-asawa ay dap--" Hindi na natapos ang sasabihin ni Jhope ng batuhin siya ni Jimin ng nova. Lumaki naman ang ngiti sa mukha ni Jhope.

Oo, kumakain sila habang nagdedebate. Mabuti nga't hindi sila nabubulunan sa ginagawa nila.

"Wag mong isali ang bible dito ulol!" Jimin. Muntik na akong masamid sa iniinom kong pepsi dahil sa sinabi ni Jimin.

"Eunha, ayos ka lang? Dahan dahan kasing uminom." Taehyung.

"Ayos lang ako--HAHAHA natawa lang ako kay Jimin HAHAHA!" tumatawang sabi ko.

Debating is fun but not until someone drops a bible verse.

"Wala na kasi akong masabi eh! Malamang sa malamang, panalo ang love marriage." reklamo ni Jimin habang kumakamot sa ulo.

"Mga siraulo kasi, hindi naman talaga dapat idebate ang topic na yun. Kaya wala, walang panalo para sakin. " komento ko habang tumatawa.

Si Taehyung ang nagsimula nun. Ano daw ang mas better, love marriage or arranged marriage. Nakakatawa, it's like asking someone if suicide is better or being murdered.

"Nga pala, bakit hindi na pumapasok si Jungkook?" Kanina ko pa gustong itanong sa kanila.

"Namiss mo siya noh? Yie!" Jhope.

"Ewan ko, kayo ang magkasama kahapon diba." Jimin.

"Oo nga. Napanood namin kayo ha, bagay kayo." Taehyung.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now