43- Adore U

255 30 90
                                    

•EUNHA

"Jungkook! Sige na kantahan mo ko, isa lang." pangungulit ko sa kanya habang naglalakad na kami pauwi--aniyo..siya lang pala ang naglalakad dahil buhat-buhat niya ako sa kanyang likuran. Naubusan kasi ng gas yung kotse niya kaya iniwan niya lang dun sa lumang playground. Ginugol lang namin ang buong araw sa pamamasyal at pagkain.

"Ang bigat bigat mo na nga tas papakantahin mo pa ako, ayoko nga." Tsk minsan nga lang ako magrequest eh. He insisted for a piggyback ride dahil short-legged daw ako, ang ikli lang daw ng mga hakbang ko kumpara sa kanya tapos ngayon nagrereklamo siyang mabigat ako.

"Sige na please..isang kanta lang, sasakalin kita kung ayaw mo." Banta ko sa kanya.

"Kiss muna." Hinampas ko naman siya ng mahina sa balikat na ikinatawa niya.

"Sige na Jungkook.." pamimilit ko at gumalaw-galaw sa kanyang likuran para mas mabigatan siya hihi marami akong nakain kanina.

"Aish. .oo na!oo na! Wag ka ng malikot, nafifeel ko yung ano mo." I tweaked one of his ears, umaandar na naman ang pagkapilyo niya.

"Ano bang gusto mong kanta?" Tanong niya, wala akong maisip.

"Ikaw na bahala." Total siya naman ang kakanta eh. Palihim kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng suot kong coat.

"Sinong singer nyan?"

"Alam mo gusto na talaga kita batukan." Tumawa naman siya sa sinabi ko. Maya-maya'y nagsimula na siyang kumanta, agad ko namang ini-on ang voice recorder ng phone ko.

"As I've lived my life making memories meeting you~ the closer we get, the more I swallow my heart~ because I know the blazing flames will go away easily~ we're still living our best memories~"

Ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat at ipinikit ang aking mga mata. Ang ganda talaga ng boses niya.

"Someone that I don't want to lose~ to you who is that person, what do you feel~ when I look at you I want to kiss your lips~"

Ewan ko pero I feel like he's putting his heart on each lyrics. It really feels like he's asking me who is that someone that I don't want to lose. Of course, its him pero naisip ako na hindi naman talaga siya naging akin.

"You're a good person to me, so don't come any closer~ I want to see your face for a long time, let's just stay this way~"

Naramdaman kong nagsimula ng manubig ang gilid ng mga mata ko.

"To be honest, I adore you~ I adore you a lot~ for me to be able to hide this truth~ hug me without talking~"

Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Those lyrics! Feels like he's confessing to me, pero ayoko ng umasa pa. Mas lalo lang akong mahihirapan na lumayo sa kanya.

•JUNGKOOK

"If I come closer, will she laugh?~ as time passes between us~ I'm afraid its going to be meaningless..." tumigil na ako sa pagkanta nang marinig ko ang mahinang paghilik niya, napangiti ako. Napagod siya sa date namin.

Nakarating na kami sa bahay at nakita ko si Lola na kasalukuyang nagmumukbang sa sala. Dali-dali niyang inihinto ang video niya at lumapit samin.

"My goodness, what happened to her?" Nag-aalalang tanong niya, sinenyasan ko siya na hinaan ang boses. Napatango lang siya at mabilis na kinuha ang phone niya para kunan kami ng picture. Aish..si Lola talaga. Hinarangan ko naman ang camera niya gamit ang kamay ko.

"Iaakyat ko na siya sa kwarto Lola."

"Isa lang apo, ang cute niyo kaya." Napailing nalang ako kasi hindi ko naman siya mapipigilan. Humakbang na ako bago pa siya makapicture samin.

"Yah Jungkook!" mahinang sigaw niya. Naririnig ko naman ang maraming flick ng camera sa likuran namin habang umaakyat ako sa hagdan. Hay naku Lola

Binuksan ko ang kwarto ni Eunha at maingat siyang inihiga sa kanyang kama.

"Aigoo.."

Niyakap niya agad ang large-sized bunny stuff toy na napalalunan ko sa isang dart game dun sa amusement park.  Sana ako nalang yung stuff toy. Napangiti nalang ako sa naisip ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"I really adore you Eunha..." bulong ko habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Nagpagdesisyunan ko nang umalis sa kwarto niya kundi aabutin ako ng umaga kakatitig sa kanya.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad kong kinuha ang isang envelope sa ilalim ng kama. Binuksan at kinuha ko ang munting papel sa loob nito. The contract that connects us.

Malapit na ngang matapos pero ayoko munang malayo siya sakin. Gusto kong magkasama parin kami pero wala ng kontrata-kontratang kasali. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya lumayo.

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti habang naaalala ko ang pangungulit ko sa kanyang pumayag na maging fiancé ko noon. Kung kailangang gawin ko ulit yun para magstay siya sakin, gagawin ko.

•THIRD PERSON

"Savage love~did somebody did somebody break your heart~ tententen~" pakanta-kanta at sumasayaw si Mrs. Sungha habang nagva-vacuum sa sahig. Medyo nahihilo na kasi siya sa kakaselpon at pagvivideo so she decided to go on exercise by cleaning the house.

Pumasok na sila Jungkook at Eunha at maaga ding umalis si Jungdo at Yesung kaya solong-solo niya ang bahay. Natapos na niyang linisin ang unang palapag kaya umakyat naman siya sa ikalawa kung saan ang mga kwarto nila.

Ayaw niyang linisin ang kwarto ng kanyang anak dahil kay Yesung, tiningnan niya ang kwarto ni Eunha pero malinis naman ito kaya napunta siya sa kwarto ni Jungkook.

Malapit na siya matapos sa paglilinis nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang enveloped na nasa ilalim ng kama. Kinuha niya ito at binuksan dahil sa kuryosidad. She widened her eyes when she read the paper inside. Nabitawan niya ang envelope at papel at napaupo sa kama dahil hindi kinaya ng kanyang utak ang kanyang nalaman.

What the hell is the meaning of this?!


*****

hey mga pips! natatawa ako sa mga comments niyo HAHA! Alam kong maraming nalilito sainyo maski ako nga nalilito sa sarili kong story. Maraming salamat sa pag-aabang!

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now