9- Jeon Eunha

889 38 12
                                    


•EUNHA's

Laglag balikat akong lumabas sa restaurant na yun at naglakad pabalik sa apartment.

May kalayuan man,kakayanin kasi wala akong pamasahe. Sapatos ko lang ang maaasahan ko, sana hindi to bumigay.

Kung alam ko lang na wala pala akong mapapala hindi na ako nagpunta.

'Kahit pa rin available yun,di ka papasa dahil hanap namin ang may height'

Anak ng hamster, waitress ang papasukin ko hindi flight attendant. Akala mo naman katangkaran ang Mrs.Setsuko na yun, isa pa siyang kalahi ni mahal eh. Sabi niya bakante pa ang posisyong yun tas pagbalik niya galing nag-cr bumaliktad ang utak.

"Delikadong maglakad mag-isa kapag gabi, babae ka pa naman."

"ANAK NG HAMSTER!" Nagulat ako ng sumulpot si Jungkook sa likod ko. Kanina niya pa ako sinusundan?

"Ano bang problema mo't bigla-bigla ka na lang nanggugulat ah?!"

Bwesit.

"Pero sa itsura mong yan,di ka naman siguro pagdidiskitaan ng mga tambay dyan eh."

Bwesit talaga.

"Nang-aasar ka ba? Kasi effective eh. Ano masaya ka na?" sarkastikong saad ko. Ang dami ko na ngang problema dadagdag pa siya.

"Actually no. Parang ako ang nahihirapan sa mga trabaho mo. Wala ka bang mga magulang?"

Tiningnan ko lang siya, what will he do if he's on my shoes?

Wala ka bang mga magulang? How I wished I have.

Para hindi na ako mahirapan ng ganito, para di ko na kailangang magtrabaho para may ipakain sa sarili ko, para tanging pag-aaral nalang ang aalalahanin ko, para ma-enjoy ko naman ang buhay millennial.

Para makaramdam naman ako ng pagmamahal at supporta. What a life.

"H-hoy ba-bat ka umiiyak? inaano ba kita?"

"Litse ka kasi. Mas mahirap pa sa exam ang tinanong mo. Oo, wala akong mga magulang. Binubuhay ko ang sarili ko ng hindi nakadepende sa iba kaya magtatrabaho ako hanggat kaya ko at wala ka ng pakialam dun!" I cried.

Its the second time I cried infront of him. Infront of the man who gives me badluck.

I promised myself not to show my frailty to anyone but I just broke it for the second time with the same monkey.

"Hindi pa ba sapat na inagawan mo ko ng upuan? Na ninakawan mo ko ng halik? Na ipinahiya ako ng jowa mo sa harap ng maraming tao? Ano? Ano pang gusto mong gawin sakin?"

Sinapo ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad at humagulgol.

Sobrang pagod ko na naman. I felt a pair of arms wrapped around me.

"Shh... I'm not here para pahirapan ka pa, I'm here to protect you." He was trying to comfort me but not enough para mawala ang inis ko sa kanya.

Tinulak ko siya ng malakas pero parang balahibo lang ng manok ang lakas ko sa kanya. Mihindi siya natinag.

"Ano ba bitawan mo ko!" I struggled just to escape from his embrace. Again, parang balahibo lang ng manok ang effort ko.

"Listen." Utos niya.

Listen?! Damn him, sa lahat ng nagawa niya magagawa ko pa bang makinig sa kanya?! Puro pahirap lang ang binibigay niya sakin.

"Pumayag ka na lang kasing maging fake fiancé ko, babayaran kita ng milyon."

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now