47- At last

231 28 30
                                    

•EUNHA

It's been three days, maayos na ang pakiramdam ko at hindi narin masyadong masakit ang mga sugat ko. Kamusta na kaya siya? Gusto ko na talaga siyang makita pero baka hindi ko kayanin, kasalanan ko kung bakit wala parin siyang malay hanggang ngayon. Sana magising na siya.

"Hoy Eunha, tulala ka na naman. Gusto mo saging?" Untag ni Yerin sakin. Umiling ako at ngumiti, busog pa ako.

"Ano ka ba Eunha, kumain ka ng marami para bumalik ang lakas mo. Gagala pa tayo diba?" Taehyung. Napangiti ako, hindi sila umalis sa tabi ko kahit pa nalaman na nila yung totoo.

"Hayaan mo Eunha, pag gumaling na yang mga sugat mo, dadalawin natin si Ilong." Lumiwanag ang mga mata ko sa sinabi ni Jimin pero agad naman akong nalungkot nang maalala kong pinagbawalan ako nila Mr. Jungdo na makita siya.

"Kayo nalang. . .siguradong hindi ako papayagan nila Lola na makita siya." 

"Sus maraming paraan Eunha, trust us." nakangising sabi ni Jin na may kasama pang kindat. Ngumisi rin silang lahat which creeps me out. I can tell by their looks that they're planning on something.





Lumipas ang isang linggo, pumasok na ako sa school.  Napayuko nalang ako dahil ako na ulit ang laman ng mga bulungan nila, bumalik na naman ang dating mapanghusgang tingin ng mga tao sakin kasi alam nila ang totoo.

"Hey, have your heard? Hindi totoong fiancé ni Jungkook ang babaeng yan."

"Sabi na nga ba eh, there's no way our Jungkook will marry that wench."

"Binabayaran daw siya."

"Jeez, desperada talagang magkapera."

"Ayan na si gold digger."

Instead of crying, I just smiled the pain. It's been a while , unti-unti nang bumabalik ang dati kong buhay, ang dating buhay ko na walang Jungkook. Ang sakit haha.. I used to endure this pain pero mula nung nakilala ko si Jungkook, hindi ko na naramdaman ang ganitong sakit. Hindi ko man lang naisip na panandalian lang pala yun, kasalanan ko naman dahil sinanay ko ang sarili ko.

"Hi Eunha!" Napatingala ako ng tawagin ako ng babaeng nasa harap ko ngayon.

"Mag-isa ka ata, where's your fake fiancé?" Si Sewon, ang isa sa mga dahilan ng pagpapanggap namin ni Jungkoook. Ngayon ko lang ulit siya nakita, may maliit na umbok ang tiyan niya pero ang ganda niya parin.

"Bat hindi ka makasagot? Tell me binuntis ka rin ba niya at iniwan o baka ikaw ang nang-iwan dahil wala ka ng nakakamkam sa bulsa niya?" panunuya niya sakin. Hindi pala nila alam ang nangyari kay Jungkook. Pinili ko nalang na huwag sumagot, lalagpasan ko na sana siya nang pigilan niya ako sa braso at walang pasabing itinulak dahilan kaya napaupo ako sa sahig.

"Hoy!"

Nakita ko nalang sila Jimin na nasa harap ko na pala, tinulungan naman akong tumayo ni Jhope.

"Hindi mo ba talaga titigilan si Eunha?! Ano bang problema mo?! Paramihan tayo sige!" Taehyung. Minsan talaga abno ang isang toh.

"The problem here is ang mga utak niyo. Bat niyo pa ipinagtatanggol ang babaeng yan?! Alam na ng lahat na bayaran lang siya ni Jungkook, pineperahan niya lang ang kaibigan niyo."

"O baka naman, binabayaran niyo rin siya para ano...alam niyo na, I'm not saying foursome ah but opss-- I already said it pala." Lumakas na naman ang bulungan dahil sa sinabi ni Sewon, wala akong magawa kundi yumuko nalang dahil hindi ko kayang ipagtanggol silang tatlo, ang sarili ko. Dati ang tapang-tapang ko pa pag kaharap ko si Sewon.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now