6- Wanted

929 60 12
                                    

•EUNHA's POV

"Six boxes of Order no.16 READY!"

Naalimputangan ako sa sigaw ng boss ko. Hays, nakatulog pala ako kakahintay. Agad akong tumungo sa counter para kunin ang order.

Grabe ang dami naman nito.

"Ito ang address Eunha, bumalik ka agad." bilin sakin ni boss sabay abot ng isang maliit na papel sakin. Magiliw akong tumango at lumabas sa Breakfast 2'go.

Umangkas ako motorbike at nagdrive papunta sa ibinigay na address. Mga sampung minuto lang, dumating na ako.

Napanganga ako ng napagtanto kong nasa harap ako ng isang mansion. Ang yaman, kaya pala ang daming binili. Sana maging regular costumer namin toh hihi.

I pressed the doorbell thrice and then the gate unlocked. Wow

"Woah..."

Napasinghap nalang ako sa ganda ng paligid ng mansion. Nagkalat ang iba't ibang klase ng mga bulaklak at paru-paru sa paligid, gawa sa marmol ang path way at may mga fountains na puno ng kumikinang na mga koi fish.

I composed myself as I diverted my eyes to the mansion's entrance. May pigura ng isang lalaki na nakasandal sa pillar, nakatingin sa direksyon ko.

Patay

Baka yun yung may ari at nag-order. Kanina pa kaya siya naghihintay? Anak ng hamster naman kasi eunha, inuna mo pa ang paglilibot ng tingin sa paligid.

Pero pamilyar ang tindig ng lalaki sa malayuan. Mukhang mabait dahil naaninag ko kasi ang ngisi niya kahit malayo siya. Oo, ang layo ng entrance leche ang haba pa ng lalakarin ko.

Bakit kasi hindi nalang siya sa gate naghintay para madali diba?

"Good morning! Breakfast 2'go delivery!" nagbow ako sa costumer kahit hinihingal ng konti dahil sa paglalakad.

Nakayukong inabot ko sa kanya ang inorder niya dahil kinuha ko pa ang listahan ko sa bag ko. Hanggang sa nangalay nalang ang kamay ko, hindi parin tinatanggap ng lalaki.

Tumingala ako para makita ang mukha ng lalak--

Okay, binabawi ko na sinabi ko. Hindi mabait ang mukha ng lalaki sa malapitan. Kasi si Jeon Jungkook lang naman pala ang kaharap ko ngayon.

"Good morning." nakangiting bati niya na sobrang lapit ang mukha sakin.

Anong good sa morning ih nakita ko na naman siya?! Inilapit pa ang mukha niyang mukhang kagigising lang sakin.

Pero infairness, ang bango ng hininga niya. Ano kayang toothpaste nito?

"Lumayo ka nga! hindi ka pa nga naghihilamos, may muta ka pa oh. " I snarled, pointing to his eyes as I took few steps backward.

"Is that how you treat your costumer?"

Hindi ko siya sinagot at kunwaring tinotal ang bayarin niya kahit may total na talaga. Ehem! Hindi ko pwedeng ipahalata na medyo nahiya ako dun, ang oa ko nga hindi naman katangkaran.

"₩227,781 in all SIR." sabi ko, emphasizing the word SIR para masatisfy siya.

"Do you accept cash?" Tanong niya.

"Yes sir."

"Do you accept credit card?" Tanong niya ulit.

"Yes sir."

Hay naku, sumobra ata ang yaman nito kaya hindi na alam kung anong ibabayad. Sanaol mayaman diba.

"Do you accept me?"

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon