52- Perfidious

248 25 21
                                    

•EUNHA

"Dito nalang ako guys."

Bumaba ako sa kotse ni Jin, kumaway ako sa kanila at kumaway naman silang lahat pabalik. Hinintay ko munang makaalis sila bago pumasok sa apartment.

Napangiti ako dahil ngayong araw lang ulit ako nakasama sa kanila kaya lang wala naman sila Taehyung, Jimin at Jhope, may lakad daw ang three idiots nayun.

Kumunot ang noo ko ng makita kong may mga pagkain at mga pepsi-in-can sa mesa. Literal na naging hugis-puso ang mga mata ko ng makita kong mga hamburgers at corndogs ito. Pero wala akong maalalang bumili ako nito, bakit nandito to?

Galing ba kay Mingyu? impossible, kuripot ang mokong nayun. Kay Mrs. So? isang himala naman kung siya ang nagbigay sakin nito, pero baka alam niya kung sino, nakalock tong apartment ko at siya ang may hawak ng mga spare keys.

Kumatok ako sa apartment ni Mingyu dahil alam kong nandito si Mrs. Landlady, bet ng biyudang yun si giant kekeke.

"Oh Eunha, mabuti nalang dumating ka!" Madramang bungad sakin ni Mingyu at akmang yayakap sakin, mabilis ko namang tinulak ang mukha niya palayo.

"Muntik na akong marape ni Mrs. So huhuhu!" Bulong niya sakin.

"Tsk hindi naman karape-rape yang katawan mo duh." feelingero talaga to.

"Grabe ka ha!"

"Mingyu-yah!" Narinig kong pagtili ni Mrs. So galing sa kusina, nakita ko siyang nakasuot ng laced nightdress pfft. Pinameywangan niya kaagad ako.

"Bakit ka nandito Eunha?" Mataray na tanong niya.

"Bakit ka rin po nandito Mrs. So?" Tanong ko pabalik, sinasadyang asarin siya.

"Well! Sabay kaming magdi-dinner ni Mingyu." sagot niya sabay lipbite.

"eww.." narinig kong mahinang sabi ni Mingyu na nagtatago pala sa likuran ko pfft. Pero wala namang issue yun, single si Mingyu at biyuda na si Mrs. So HAHA!

"Ahh, Mrs. So, may pumasok po ba sa apartment ko ngayong araw?" Tanong ko agad. Nanlaki naman ang mga mata niya, napakamot siya sa pisngi niya habang nakatingin sa ceiling, she seems like thinking of an answer.

"Hindi ko alam, I don't know, nan molla." she replied while shrugging. She's doubtful.

"Bakit? May nawala ba sa mga gamit mo?! Nanakawan ka?! Tara, ireport natin sa mga pulis." - Mingyu, humahanap lang to ng palusot para makawala kay Mrs. So eh.

"Wala naman, sige yun lang po Mrs. So, alis na ko, enjoy Mingyu!" Tumakbo ako kaagad palabas bago pa ako mahuli ni Mingyu.

"Hoy hoy sasama ak--*BLAG!

At ibinagsak ko sa mukha niya ang pinto. Tumatawa ako habang pabalik na sa apartment ko dahil laptrip ang mukha ni Mingyu. Natigilan ako ng may biglang nagflash na camera sa peripheral vision ko, pagtingin ko sa direksyon na yun, wala namang tao. Weird.

Hindi ko nalang pinansin yun at pumasok na sa apartment, I made sure na nalock lahat ng bintana at pinto saka nilantakan agad ang mga pagkain.

•JUNGKOOK

"Argh!" Itinapon ko ang phone ko sa kama dahil sa inis. Tsk!

"Oh bakit maknae?" Natatawang tanong ni Jimin hyung.

"Pinatay siya agad HAHA!" Jhope.

"potanginang impostor yan." Taehyung.

"Hindi! Hindi to tungkol sa Among Us!" naiinis ako dahil sa litratong pinadala ng binabayaran kong spy.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Место, где живут истории. Откройте их для себя