17- Engagement

442 35 7
                                    

•EUNHA's

"Jungkook ang kati naman ng damit na to." reklamo ko habang inaayos ang damit na ipinasuot niya sakin. Hindi ako komportable.

"Edi kamutin mo o baka gusto mong ako ang kumamot?" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Tiningnan ko lang siya ng masama.

Tsk kung hindi lang siya nagmamaneho, pinatid ko na siya gamit ang 5inches na heels na ipinilit niyang ipasuot sakin.

Right, pabalik na kami sa bahay niya matapos ang buong araw na pinababad niya ako sa salon at boutique.

Nakakainis talaga! First time kong makapasok sa isang salon without knowing na ganun pala kasakit ang magpaganda. Worst part sakin yung ipinathreading yung kilay ko, ang sakit grabe.

Bakit pa kasi kailangan pa akong pagandahan? Inborn na sakin yan. Char

"Huwag kang tatanga-tanga sa harap ng kabet ni Papa dahil reyna yun ng mga judgemental. Huwag kang papaapekto sa mga sasabihin niya. Understand?"

Tumango nalang ako sa bilin niya. Grabe, ganun na talaga ang galit niya sa step-mom niya para tawagin niyang reyna ng mga judgemental?

Nagtaka ako kung bakit ang daming mga magagarang sasakyan sa labas ng gate ng bahay nila Jungkook.

Tiningnan ko si Jungkook ngunit parang hindi rin niya alam kung bakit. Nakakunot ang mga noong lumabas siya sa kotse at pinagbuksan ako.

"Jungkook..bakit ang daming mga sasakyan?" tanong ko.

"Damn..sabi ko na nga ba..." he answered me a whisper. Magaling Jungkook, naintindihan ko talaga. Tss

Baka sasakayan lang to ng mga bodyguard ng ama ni Jungkook, pero baka rin hindi. Parang may mali eh, kinukutuban ako. Haist nerbyos lang siguro to kasi makikita ko na ang ama ni Jungkook sa unang pagkakataon.

Biglang tumakbo si Jungkook papasok sa bahay nila, leaving me dumbfounded in the pathway.

"Wow!? Hahaha..." bulalas ko sa sobrang inis. Nasia-stress na talaga ako sa lalaking to. Pagkatapos niyang ipasuot sakin ang damit at heels na labag sa loob ko, iiwan niya lang ako sa gitna ng--argh!

Inis na naglakad ako papasok sa bahay ni Jeon. Bakit kasi ang ganito ang pagkakagawa ng bahay ni Jungkook?! Ang layo ng gate sa mismong bahay.

Nagulat ako ng sumalubong sakin ang mga nakakasilaw na mga lights at ang tugtog ng orchestra, habang may mga taong magagara ang mga kasuotan ang nagsasayaw habang may mga nagsasarapang mga pagkain sa mga mesa pagpasok ko sa bahay ng mga Jeon.

Ito ba ang padinner ng lola ni Jungk--

"Anak ng--!" I shrieked when someone holds my wrist and dragged me into the crowd. And that someone was Jungkook.

Anak ng palakang purple.

Kahit kailan talaga ang lalaking to nakakagulat. Iniwaksi ko muna ang inis ko sa pang-iiwan niya sakin kanina dahil busy ako sa pagsosorry sa mga taong nababangga namin.

Ang kapal naman kasi ng apog ni Jeon Jungkook, parang wala siyang pake kung sino ang nababangga niya. But sabagay...bahay naman nila to eh.

Binawi ko ang mga kamay ko nang nasa maluwag-luwag na lugar kami. Just then I realized that we're infront of the stage where theres a stunning lady holding a mic with a stern-looking man beside her.

"Good evening ladies and gentlemen...This is the first step of love before entering into the married life. We have a very good reason to share the spirit this season. Please join with us in celebration as me and my dear Jungdo, are united in marriage. Thank you for coming!" The lady said.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now