4- Three Idiots

924 57 3
                                    


•EUNHA's

"Hmmm..."

Nakipagtalasan ako ng tingin sa pinakamaliit sa kanila.

"Hmmmmm..."

Nakipagtaasan ako ng kilay sa may pinakamalalim na boses sa kanila.

"Hmmmmmmm..."

Nakipagtaasan ako ng baba sa may pinakamahabang jaw-line sa kanila.

Sino ba ang tatlong to?

Bigla-bigla nalang nila akong sinugod sa room at kinaladkad papunta dito sa headquarters.

Kaming apat lang ang nandito kahit nag-umpisa na ang klase. Sabi nila may sasabihin daw sila pero wala naman.

"Is 'Hmm' all you can say to me?" Tinapunan ko sila ng masasamang tingin.

Argh...sinasayang lang nila ang oras ko.

"I thought that punk likes someone whose above 168cm." komento nung maliit. Tsk, akala niya kung sino siyang matangkad. At sinong pinagsasabi niya?

"Not bad." sabi nung isa, the one that has a deep voice. Tss

"So you're Eunha." sabi naman nung isang may malaking cheekbones.

Ipinakita ko sa kanila ang ID ko. Tumango-tango lang sila at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang sapatos to sapatos hanggang ulo na naman.

Ewan ko ba sa tatlong to, parang mga baliw. Kanina pa talaga nila ako tinitingnan na parang bang isa akong kriminal. Para nga akong nasa interrogation room at iniimbestigahan ng tatlong to kasi nakaupo ako sa isang upuan habang sila ay naglalakad palibot sakin.

"Ano ba talagang sasabihin niyo?!" naiinip na tanong ko. Anak ng hamster, late na ako sa klase ko.

"Anong habol mo kay Jungkook?" tanong nung maliit.

Watda? Ako maghahabol sa mokong na yun? Ano ako aso?

" Bakit ko naman hahabulin ang lalaking yun? Aalog lang dibdib ko duh. " mataray na sagot ko sabay pinagkrus ang dalawa kong braso.

Argh. Nakakainis ang mga taong mini-misinterpret ang sitwasyon ko. Porket kilala akong mahirap sa school na to, akala nila kakapitan ko kahit ano basta may pera. 

Infact yung Jungkook na yun nga ang naghahabol sakin. Tss siya ang mukhang aso saming dalawa.

"May dibdib ka ba?" nang-aasar na tanong niya. Argh, manyak.

"Ikaw may tete ka?" ganti ko.

Nagbobo-bobohan kasi, alam niya naman siguro na babae ako kaya malamang ay may dibdib ako.

Ayun, pinagtawanan tuloy siya ng dalawa. Speechless siya.

"Ang ibig niya talagang itanong ay kung anong meron sa inyo ni Jungkook." sabi nung may malalim na boses matapos siyang makabawi sa pagtawa.

"There's nothing on us." sagot ko. Mukhang hindi sila naniwala.

"Panong walang kayo? Eh ano yung halikan? ano yung library date?" tanong nung may malaking cheekbones. Kumunot ang mga kilay ko.

" Ano bang pinagsasabi niyo?"

Inilabas niya ang phone niya at may ipinakita saking mga litrato. Yung una ay nung halikan ako ng mokong sa caféteria at yung pangalawa ay yung nasa library kami kahapon.

Putragis, sinong nagpakalat na isang date yung nasa library kami?! NAPAKAFAKE NEWS!

"Ahh fake news yan. Wala talagang kami as in, walang magiging kami. " sagot ko at umiling pa.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now