39- He's back

353 29 62
                                    

•EUNHA

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Argh! Parang binibiyak. I roamed my eyes around and I'm in my room, lying in my bed. Pano ako napunta dito? Sinong nagdala sakin?

Wala akong masyadong maalala kagabi, ang naaalala ko lang ay pumunta kami sa kahit saan ng mga tropa. Ibinaba ko ang aking tingin sa aking katawan at uniporme ko parin naman ang suot ko gaya kahapon. Ah sheet of paper! May pasok ako ngayon!

Napabangon ako nang wala sa oras ngunit mas sumakit ang ulo ko na parang sasabog na kaya napahiga ulit ako. so this is what hangover feels like. Hinding-hindi na ulit ako iinom, I swear!

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko, hindi ko matingnan kung sino kasi hindi ko kayang igalaw ang aking ulo. Kumurap lang ako ng isang beses at tumambad sakin ang mukha ni Jungkook. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang lapit lang ng mukha niya sakin and I slapped him out of reflex.

"Araay ang brutal mo ha. Dapat morning kiss ang ibinibigay mo sakin hindi morning slap."  buti nalang pala't nasampal ko siya.

At mabuti nalang din hindi natabig ang dala-dala niyang food tray. May laman itong mga pagkain, tubig at mga tableta. Inilagay niya ito sa bed-side table then hinila niya ang upuan sa study table sa tabi ng kama.

Tiningnan ko siya nang masama dahil may pangiti-ngiti pa siyang nalalaman. Bakit ba siya nandito? Diba may mas IMPORTANTE pa siyang inaasikaso kaysa sakin.

"Bakit ganyan ka makatingin? Kasalanan ko bang nalasing ka? Tss, inom kasi ng inom tapos hindi naman pala kakayanin." Kasalanan niya naman talaga eh. Ang lakas pa ng loob niyang manermon.

"Anong oras na ba?" Tanong ko na hindi pinansin ang mga sinabi niya.

"9:26 na." Ah shet! Late na ko!

Tinangka kong bumangon pero pinigilan niya ako sa braso at hinila ako pahiga ulit. I'm about to complain but he suddenly pressed his index finger on my lips. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Papasok ka pa sa itsura mong yan?"

Pinalis ko ang daliri niya para makasagot ako.

"Oo bakit?! Naka-uniform na naman ako ah."

Tinakpan niya naman ang malaki niyang ilong na para ba akong isang taeng nangangamoy. Bumangon at umupo ako sa kama saka nameywang sa harap niya.

"Hindi mo ba naamoy ang sarili mo? Amoy-alak ka parin oh, sinukahan mo pa nga ako kagabi eh yucks!" Umakto pa siyang nandiri pagkasabi niya ng 'yucks'. Inamoy ko naman ang sarili ko, pati ang hininga ko at. . .totoo nga naman. Baka ipa-guidance lang ako pag pumasok ako.

Ang dami ko palang nainom kagabi? Sinukahan ko raw siya? Wala akong maalala, napahawak ako sa aking ulo kasi sumakit na naman.

"Ano pa bang nagawa ko kagabi?" Tanong ko sa kanya. Nag-isip siya saglit at ngumisi sakin. Parang di ko gusto ang pangisi niya ah, just what the heck did I do last night?!

"Hmm. .hindi mo maalala?" mahinang tanong niya na dahan-dahang inilapit ang mukha niya sakin.

"T-tanga ka rin eh ha-ha. .magtatanong ba ako kung naaalala ko pa?" nauutal kong sagot. Tae bat ako kinakabahan?!

"You're so wild last night.." he said huskily. Palapit ng palapit ang mukha niya at halos hindi na ako makahinga dahil iilang inches nalang ang pagitan namin.

"Ang ingay mo nga at sumisigaw ka pa habang kinakain ka.." Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. A-anong ibig niyang sabihin?

"Magulong-magulo na ang mga buhok mo at mahigpit pa ang pagkakahawak mo sa..." Bumaba ang kanyang tingin sa kanyang katawan kaya mas uminit ang mukha ko, para na akong sasabog. tanginaa! Iba ang naiisip ko sa mga sinasabi niya!

"May video pa ako and I bet it will become viral if I upload it on social media, pag-uusapan ka ng lahat.."

Umiling-iling ako at nagmamakaawang tiningnan siya. Hindi, hindi niya pwedeng iupload yun, hindi ko magagawa ang mga sinasabi niya. Wala namang ibang masakit sa katawan ko maliban sa ulo ko at suot ko parin naman ang damit ko kahapon--snap it! Ang weird ng mga naiisip ko! Wah! Bakit kasi pabitin siyang magsalita?! Ano ba talagang nagawa ko?! Ano ang video na sinasabi niya?!

Kinuha niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa at itinapat ito sa mukha ko.

[ "I wanna know know know know what is love! Sarang--hoy *hik* wag mong i-*hik*-next! Is the love shot na na na na na na na~ na na na na--naman eh! *hik* yan wag momunyang *hik* inextsabi--*hik*--love you so bad, love you so bad, neol wihae yeppeun geojiseul bijeonae~ love it's so mad, love it's so mad, nal jiweo neoye ihyeongi doereo hae*hik* i'm soshick of dis fakeu lobe~*hik* sorrii but it's *hik*--argh!..." ]

Hala ako ba toh?! Nanlaki ang mga mata ko habang pinapanood ang sarili kong kagagahan kagabi.

"Ang wild mo diba? Ang ingay mo pala kapag kinakain ka ng kalasingan mo. Mukha ka ng rockstar HAHAHA! Hindi kayang bawiin ni Sinb ang mic sayo oh kasi ang higpit ng paghawak mo. Pag-inupload ko talaga yan, papatok ka talaga, instant celebrity ka na! HAHAHA!" taena. . .

Akala ko ano. . .AKALA KO ANO! Argh! Ang weird ng iniisip ko kanina tapos ito lang pala ang ibig niyang sabihin! it's his fault because he sounded so sexy! grrr.

"Oh? Bakit mukhang disappointed ka? You thought it was something naughty right?" natatawang tudyo pa niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin saka tinulak ang mukha niya palayo sakin. Tawa parin siya ng tawa. Nakakainis siya.

"Alam mo? Pwede naman nating gawin yang naiisip mo eh, wala dito si Lola, umalis si Dad at ang kabit niya..solong-solo natin ang buong bahay Eunha.." with his husky voice again and smirked playfully. Mabilis pa sa kabayo na binato ko siya ng unan, taena ano bang ginawa niya noong mga nakaraang araw at naging manyak siya ngayon?

Ipinagkrus ko ang mga braso ko at inirapan siya. Ilang minuto rin bago siya tumigil sa katatawa, ang saya niya ngayon ah tsk.

"Kumain ka muna oh, sinarapan ko toh para sayo." Inabot niya sakin ang isang bowl ng porridge na may kasama pang kindat. Tinanggap ko agad kasi gutom na ako at mukhang masarap eh. Inamoy ko muna kasi baka nilagyan niya ng gayuma, infairness mabango.

"Ikaw ang nagluto nito?" Tanong ko. Akala ko mga simpleng luto lang gaya ng itlog at bacons ang alam niya.

"Aba oo naman, magaling kaya akong magluto pero mas magaling ako sa kama."

Akmang ibubuhos ko sana sa kanya ang porridge nang isinangga naman niya ang kanyang mga braso habang tumatawa. Bwesit.

"Biro lang toh naman. Kainin mo na yan."

Tinikman ko at masarap naman. Ang sarap niya palang magluto, pwede nang maging asaw-- *shakes head* dang! ang weird talaga ng mga naiisip ko.

"Masarap no? Pwede nang maging asawa mo?" Nanlaki ang mga mata ko dahil pareho kami ng naiisip. wah bakit ganun?!

"A-ano naman yan?" Tanong ko, hindi ko siya sinagot, more like hindi ako makasagot so better change the topic. Ininguso ko ang isa pang platong may lamang pagkain sa tray.

"Ah ito.." Kinuha niya ito at napasigaw ako nang bigla niyang binaliktad iyon pero hindi naman nahulog ang pagkain. Tila ba'y ito ay nakaglue sa plato, para ngang laruan lang eh. He's laughing while flipping the plate, para siyang bata. I smiled at him.

Inaamin kong miss na miss ko na ang mokong natoh kaya masaya ako ngayon na kasama ko siya. He's back!

"Mamaya mo na ako pagpantasyahan, ubusin mo muna yan at matulog muna. May pupuntahan tayo mamaya." Nakangiting sabi niya. Bigla naman akong nakaramdam ng excitement.

"Saan?"

"Basta, secret. Tayo lang dalawa, hindi ako papayag na mga kaibigan lang natin ang nakasama mong gumala noh." and he pouted.

Napatitig lang ako sa kanya. He. . .he sounded like a possessive boyfriend, umiling ako para mawala yun sa isip ko. Damn you Jungkook!

*****

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now