38- Drunk

296 39 51
                                    

•EUNHA

"Bonjour Eunha!" Sabay na bati nilang tatlo sakin, sino pa ba? Ang anpanmen ko kuno.

"Hello!" I greeted back. Lumabas si Taehyung mula sa kabila at pinagbukasan ako ng pinto sa backseat ng kotse. Pumasok ako sa loob at sumunod narin siya. Magkatabi kami sa backseat habang nasa harap si Jimin at driver si Jhope na nagsimula ng magmaneho.

Habang papunta pa kami sa school ay panay ang pagpapatawa nila sakin, minsan pa nga ay kumakanta kami ng sabay. Pinapasaya nila ako para raw mawala ang mga problema ko, lol, hindi naman mawawala yun eh, nakakalimutan ko lang.

Pagdating namin sa gate, nakita kong nakaabang sila Sinb, Yerin at Umji samin. Paglabas ko sa kotse ay agad nila akong niyakap.

"Hindi parin ba papasok si Jungkook?" Tanong ni Yerin, nagkibit-balikat lang ako at ngumiti ng tipid.

"That bastard, I'll teach him a lesson." narinig kong sabi ni Sinb. Naramdaman kong ipinatong ni Umji ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Don't be sad eonnie, everything will be fine." she said, napangiti ako sa sinabi niya. I hope so.

"Hoy hoy hoy, pinapalungkot niyo na naman ang Eunha namin." narinig kong sabi ni Jhope na ginulo pa ang buhok ko, pinalis ko naman ang kamay niya. Langya toh. Pinark pa pala nila ang kotse.

"Huwag na nating pag-usapan ang fetus nayun, hindi lang yun naka-inom ng gamot kaya bumalik sa dati." biro ni Jimin, nagtawanan naman sila samantalang ako ay napangiti lang. Sana nga ganun lang yun.

Nagpumilit pa silang ihatid ako sa classroom ko bago sila pumasok sa kani-kanilang mga klase. Wala pang guro at wala rin akong makausap dito. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko, napangiti ako sa sobrang lungkot. Nakakamiss din pala ang mokong.

Pagkatapos ng klase ay mag-isa nalang akong naglalakad sa hallway. Nagsi-uwian na ang mga studyante. The three were probably waiting for me at the gate.

Nagulat ako nang makita kong hindi lang silang tatlo ang naghihintay sakin, nandito pala ang buong barkada ni Jungkook. Siya lang ang kulang.

"Eunha! Gala tayo!" excited na sabi ni Sowon sakin na agad hinawakan ang mga kamay ko nang makalapit ako sa kanila.

"Karaoke!" sabi rin ni Yuju.

"Hoy diba ang usapan kakain tayo?" Taehyung.

"Manood nalang tayo ng sine!" Jimin.

"Mas mabuti pang sa arcade tayo guys." Sinb.

Natawa ako kasi ang dami nilang mga plano.

"Dami niyong plano wala naman kayong mga pera." sabi ni Jin.

"Sabi mo libre mo diba?!" sabay nilang sabi sa kanya. Jin gives us a smug face as he showed us his thicc wallet. Edi wow, siya na mayaman.

"So anong unang uunahin natin?" Yerin. Ipinaglaban ulit nila ang kanilang suhestiyon.

"I think mas mabuting si Eunha eonnie nalang ang tanungin natin." Nagulat ako sa sinabi ni Umji, napatingin naman silang lahat sakin, hinihintay ang sagot ko. Eh? Wala ako sa mood na sumama pero ayoko namang tanggihan sila. Well. .wala naman akong gagawin sa bahay, wala rin akong makakausap dun.

"Okay lang naman ako sa kahit saan." tanging sagot ko at ngumiti.

"Then let's go." imik ni Suga na nauna nang pumasok sa van. Van ni Jin, grabe pumunta pa sila dito para gumala lang.

Ngumiti ako, yung totoong ngiti. Masaya ako dahil nandito sila para sakin. Alam kong ginagawa lang nila toh para maaliw ako at hindi ko maisip si Jungkook.

Bᴇɪɴɢ Mʀs. Jᴇᴏɴ Where stories live. Discover now