"Tss," sabi lang ni Klyde.

"Wala naman akong sinasabi na name eh, OA mo bro." Sabi ni Ate Klarissa kaya mas nahiya ako.

Wag naman kayo mag away.

"Shh, tumigil kayo nakakahiya sa bisita." Suway ng kanilang Ina.

Natahimik na kami dahil dumating na yung order nila kaya umayos ako ng pagkakaupo.

Since I don't know how to eat those dishes specially yung unfamiliar ay tinutulunga ako ni Ate Klarissa, she guide me on what I'm going to do o kung paano ko ba siya hihiwaan at kung ano ano pa.

Sobrang thankful ko lang talaga at tinabihan niya ako kaya nakakain ako ng maayos kasi alam ko nasa tabi niya at willing siya tulungan ako.

Nagulat ako ng aksidente ko matapon ang sauce sa damit ko. Puti pa naman ang suot ko kaya nahalata ang kulay sa damit ko.

"It's fine," sabi ni Ate habang inaabutan ako ng tissue.

"Sorry po," sabi ko sa kanila sa sobrang hiya.

Grabe nakakahiya naman ako, ang dugyot ko paano ba naman kasi medyo na pressure ako kapag kaharap sila. Hindi ko naman dapat ma-feel pero hindi ko maiwasan eh.

"Excuse lang Mom and Dad, we have to go on rest room. Excuse us muna." Pagpapaalam ni Ate Klarissa saka niya ako hinawakan sa braso kaya naman tumayo ako para sabayan siya sa paglalakad.

"Okay ka lang ba? Nanginginig ka kasi eh," sabi nito ng maramdaman ang panginginig ng kamay ko.

"Maginaw po," pagdadahilan ko.

Totoo naman kasi na maginaw rito kaya isa yun sa rason ng panginginig ko habang yung half ay dahil sa kinakabahan ako at hindi ko na kaya na makasama ko pa sila lalo na si Klyde.

I feel suffocated! Hindi ko na kaya pa na magtagal doon.

"Hindi niyo naman po ako kailangan na samahan pa Ma'am Klarissa. Okay naman na ako lang, dami niyo ng tinulong sa akin." Sabi ko rito.

Nahihiya na kasi ako sa kaniya. Baka kung ano pa isipin nila.

"It's okay, isa pa voluntary ko yun ginawa. Simple thank you is enough." Nakangiti nitong sabi.

Pagkapasok sa restroom ay napansin ko na dalawa lang kami na nandito.

"Isa pa, I want to talk you rin yung tayong dalawa lang." Sabi nito sa akin kaya naman natahimik ako at bigla lalong kinabahan.

Ito na nga ba sinasabi ko eh, iba na talaga kutob ko pero nandito na rin naman ako kaya kailangan ko na harapin. Hindi puwede na habang buhay ako iiwas at hintayin ang panahon kung kailan ako magiging handa.

"Atsaka wala na rin tayo parehong time if mamaya pa kaya okay na kung ngayon." Sabi nito habang pinupunasan ang damit ko na may mantsa.

Kinuha ko ang pamunas at ako na mismo ang kumuha.

"Thank you po," nakangiti kung sabi.

"Okay then, straight forward na tayo--"

"Tungkol po ba sa past? Sorry..." Pagputol ko sa sinabi nito.

Mahigpit akong nakahawak sa shoulder bag ko habang ang isa kung kamay ay sa tissue na pinupunas ko sa mantsa ng damit ko.

"I know na kasalan ko kaya I admit it, alam ko rin na may mali ako roon at sa loob ng limang taon ay pinagsisihan ko yun. Sorry po..." Sabi ko pa habang nakakagat sa ibabang labi para maiwasan maiyak.

Piste self! Pigilan mo.

"I know Yazmine hindi lang naman ikaw ang nahirapan sa ginawa mo eh. Nahirapan din naman siya eh. Akala mo ba masaya siya sa ginawa mo. Lalo mo pinahirapan ang sitwasyon niyo." Sabi nito.

I admit my mistake, mali na gano'n na iwan siya.

"Hindi ko po kasi alam kung anong uunahin ko that time medyo magulo na po. Alam ko na responsibilad ko na magpaalam since we're friends po." Sabi ko this time kinakagat ko ng kuko ko.

My mannerism everytime I preventing myself not to cry. This is my way of avoiding crying.

"You are what?" Medyo gulat na tanong nito.

"Friends po," pag uulit ko.

"Why po?" Nagtataka kung tanong kasi nung sinabi niya ang word na friends para siyang dissapointed.

"It's just akala ko level up na kayo,"

"Huh!?" Tanong ko pa.

"Ayoko sa akin mismo manggaling 'to kasi wala ako sa posisyon. Pero gusto ko lang sabihin na next time magpaalam ka kapag aalis ka hindi yung gano'n na aalis ka. Parang ghinost mo siya." Sabi nito sa akin.

Gusto ko sana matawa kasi ghinost ko raw! Pero seryoso 'to kaya kailangan ko mag seryoso.

"Sorry for being selfish. Naipit lang po talaga ako sa sitwasyon." Sabi ko sa kaniya saka siya hinawakan sa braso.

"Sinasabi ko 'to para ayusin mo yung past, he needs your explanation kailangan mo ipaliwanag sa kaniya yung side mo. Kailangan ka niya." Seryoso nitong sabi sa akin.

"Yes I will po, it's just I need to plan it po muna." Sabi ko sa kaniya.

Hindi ko pa kasi alam anong sasabihin ko sa kaniya. Hindi naman sa hindi ako handa, hindi ko lang alam what to say baka masayang lang yung oras niya sa akin kasi wala akong masasabi.

Pinigilan ko ang sarili ko maiyak kahit deep inside gustong gusto ko na talaga.

Nasasaktan ako pero nakasakit din ako ng isang taong nagbigay ng halaga sa akin. I lost one of the important people I truly treasure.

"Text me if you need help. Tutulungan ko kayo maging okay kasi ayoko siya mag suffer. Ate ako at natural sa akin na mag alala at isipin yung bagay na tingin ko magiging okay siya." Sabi nito saka inabot ang calling card sa akin.

"You can visit me sa Hospital kung saan ako naka-duty. So... I hope we will see each other or we can meet again." Sabi nito sa akin.

"Opo," sabi ko saka tumango.

"Fix yourself para makabalik na tayo sa loob be," sabi nito sa akin saka inayos ang buhok ko.

Akala ko ay wala na siya balak magsalita pa pero gano'n na lang ang gulat ko sa sunod nitong sinabi.

"Feeling ko in love si Klyde,"

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Where stories live. Discover now