Iniwan ko siya dahil hahaba na naman ang usapan. Hindi ko alam kung bakit hindi sa akin nagmana ang kapatid ko na 'to. I'm the ate here pero parang ako ang bunso nakakainis.

Nakahiga lang ako habang nakatingin sa kisame ng mag ring ang phone ko.

Unknown number calling, kahit alanganin ay sinagot ko 'to.

"Yes po?" Magalang kung sabi.

"Is this Architect Montivilla,"

"Yes po, speaking?" 

May in-apply-an kasi ako na company na need ng architect nag try ako para sana magamit ko yung natutunan ko. Sayang kasi kung hindi ako mag apply sa course na yun, sayang pag aaral ko pwe! Parang sayang effort ko kapag gano'n.

"This is KS Star Company we will see you tomorrow for the interview, 8am dapat nandito ka na at please wag ka ma-le-late." Pagpapaalala pa nito.

"Opo, noted! So... I'll see you po tomorrow morning." Sabi ko sa kanila.

Grabe! I'm so excited na talaga.

"Yes, see you tomorrow Architect. Goodluck for the interview tomorrow."

"Salamat po," sabi ko saka hinayahan na siya ang mag end ng call kasi why not?

Napabuntong hininga ako bago tumayo para maghanap ng masusuot bukas. Gusto ko yung simple pero formal since interview 'to.

I have decided to apply on big company para mas makilala ako at mas marami akong upcoming project. I'm planning to build my new house with my own money. Everyone plans to have her/his own house and I'm one of them.

Plano ko na mag boarding kapag natanggap ako since malayo sa amin yung company na in-apply-an ko.

Sa Maynila yun tapos kami sa Batangas nakatira, itong bahay na 'to ay sanla lang sa amin at after 3 years ay kukunin sa amin ng may ari. There's no permanent nga sabi nila at itong bahay ay temporary lang.

"Mama!" Sigaw ko kaya naman binuksan ni Mama ang pintuan ng kuwarto niya.

"Ano yun?" Tanong nito na halatang natataranta.

"Interview raw ako bukas, I mean i-interview-en daw. Ito na ang simula Mama." Masayang sabi ko kaya ilang saglit nakita ko na yung dalawa kung kapatid na nasa pinto ng kuwarto nila habang nakadungaw sa amin.

"Nangangamoy mini celebration," nakangiting sabi ni Elle sunod kay Yla.

"Naks," maikling sagot ni Heaven kaya napailing ako.

"Advance dapat tayo mag isip," pagsakay pa ni Mama.

Si Mama feeling millennials din, sumasakay sa mga trip namin same us with Papa. Feeling nila mga ate at kuya lang namin sila, nakakatuwa lang na support sila sa amin.

Elle real name is Mireille short for Elle sa amin na pamilya pero sa friends ay Miles it reminds daw of smile, we have to smile raw for the positive vibes which is tama nga for Miles. Naks! Paano niya yun naisip! Sana all.

Si Heaven naman ay ang baby namin at ang vlogger since nasa field ng mass comm. She's planning to take mass comm at iniisip if DJ or newscaster ang plano. Heaven real name is Nevaeh reversed version for Heaven since masyadong OA ang Heaven na name at masyadong common ang Heavenly sabi ni Mama gusto niya something unique, but we call her Heaven and then sometimes ay Ven gano'n din ang iba nitong kaibigan since hirap sila sa Nevaeh. 

Ang simple lang at walang halong kaartehan sa amin ay tanging pangalan ko. Yazmine, just simple call me Yaz. Basic! Walang kumplikado.

"Wag muna tayo magpakasaya mga baliw. Kinakabahan pa ako eh." Sabi ko sa kanila.

Totoo kinakabahan talaga ako sa interview. Alam ko na sasabihin nila na sisiw lang sa akin since cum laude ako pero this is the reality of life.

"Naku! Basic," sabi ni Yla na kararating lang.

"Don't pressure yourself anak, I know and we believe you na makakayanan mo yan." Sabi ni Mama kaya nabawasan ang kaba ko.

Bukas pa naman pero kinakabahan na agad ako.

"You should rest na ate, matagal ang biyahe at ayos lang na early bird kaysa mahuli. Right?" Sabi ni Elle.

"Oo nga anak, ako na bahala magsabi sa Papa mo pagdating niya." Sabi naman ni Mama.

Si Papa ay isang driver habang si Mama naman ay isang principal sa high school. 

Si Yla ay 3rd year college taking up tourism, she wants to take FA raw para makapaglibot at makabingwit ng piloto para relationship goal. While Elle is currently in the field of Engineering 1st year college same school sila ni Yla habang si Ven ay grade 12 humss planning to take mass comm. 

Mga bigatin talaga course namin since mga scholar kami. Ang pinagkaiba sila rito lang sa amin habang ako sa Maynila, nakipagsapalaran kasi ako na roon mag aral para bigatin yung school. Marami kasing sikat na school sa Maynila kaya ginawa ko best ko to get a scholar sa University sa Maynila and yep I made it. Doon ko nakilala yung dalawa kasi mga kasama ko sa boarding tapos co incidence pa na rito sa Batangas ang hometown nila. 

Aba! Destiny ata.

"Ate? Anong name ng Company na pinasukan mo?" Out of nowhere na tanong ni Elle.

"KS Star Company po, ang alam ko lang ay mayroon sila na hotel and also restaurant. Sikat sila yun lang ang bukod tangi kung alam." Sabi ko pa.

Bigla na lang naging seryoso ang itsura nila dahilan para magulat ako at maguluhan.

Bakit?

Dapat ba hindi ako roon? Masama ba ugali nila? Wala naman lumabas na issue against sa kanila o baka naman hindi ko lang alam.

"Bakit po?" Kinakabahan kung tanong. 

Bigla na lang pumasok si Elle na sinundan ni Yla at Ven kaya napatingin ako sa kanila.

"Anong mayroon sa company nila Mama, kinakabahan po ako eh." Sabi ko sa kaniya.

Nakita ko na napabuntong hininga siya bago siya seryosong napatingin sa akin.

"The owner of the company is Kris and Krystal Samonte." Sabi nito kaya naman natameme ako.

Mas nagulat ako sa sumunod nitong sinabi.

"Hindi malabo na magkita kayo ni Klyde," sabi ni Mama bago tuluyang pumasok ng kuwarto niya.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Where stories live. Discover now