"I'll see you guys again, enjoy your dates." Sabi ko sa kanila.

"Sa susunod na buwan, triple date na 'to." Sabi ni Jerome saka ginulo ang buhok ko.

"Wag niyo i-pressure baka mamaya maghanap yan eh," sabi ni Diane since siya ang jowa ni Jerome.

"If hindi ka pa ready at gusto mo talaga maging single muna it's fine. Maraming lalaki riyan, makakapaghintay." Seryosong sabi ni Jomar kaya napangiti ako.

"You know how to wait talaga ha," halatang proud na sabi ni Aliah.

"Syempre," sagot ni Jerome kaya natawa ako.

"Sige na sibat na guys, update me na lang. Aliah and Diane chika niyo na lang sa akin bukas yung nangyari. Enjoy and keep safe." Sabi ko saka kumaway.

Hinintay ko muna sila makaalis bago ako naglakad papasok. Ang driver ay si Jomar since siya ang may kotse habang nasa shotgun seat si Aliah tapos nasa likod naman si Jerome at Diane.

Napangiti ako habang ini-imagine yung dalawa kung kaibigan na masaya sa taong mahal nila. I'm happy na rin as long as alam ko na both of them are happy. Support ako sa kanila at hindi dahil support ko sila means gusto ko na rin. I'm going to paid off my parents sacrifice muna before magjowa. Sabi nga ni Jomar makakapaghintay kaya wala muna 'to sa akin.

If you asking me if may naging jowa ako, oo naman! Grabe naman kung wala. I consider him as first love since his my first boyfriend. 2 years naging kami pero we both decided to broke up. Hindi ko alam basta na lang kami nagkalabuan at tanging pag wakas sa relasyon namin ang nakikita namin na solusyon. 

Pero I know na may iba na siya sinabi lang niya na napagod siya kasi nalaman ko kaagad na may bago. Wow! Bilis maka move on! I was like, sana all!

Siya lang hindi na nasundan since ayoko muna. Road to 3 years na akong single at proud ako kasi ngayon ang focus ko sa family lang at sa pangarap ko bilang architect.

Makakapaghintay pa yun kaya ngayon isantabi ko muna.

"Ate? You know what is RP?" Tanong ni Yla na bigla na lang sumulpot sa tabi ko ng hindi ko nararamdaman.

Si Yla ay ang sunod sa akin, Yla is short for Ysabella gusto niya kasi ng nickname ng unique since common na yung Ysa kaya she decide to find a unique nickname. Atsaka isa pa nandoon pa rin sa Ysabella yung Yla eh. Bakit ko ba kailangan ipaliwanag 'to.

"RP? Ano ba yun? Pagkain? Lugar? Pangyayari? Abbreviation?" Tanong ko since I don't know what is RP means.

"Putek na yan ate, millennials ka ba talaga?" Naiinis na sabi nito kaya binatukan ko siya.

"Gago, 22 pa lang ako kaya millennials pa rin ako, I consider myself." Sabi ko pa habang nakahaplos sa  dibdib ko.

"Hindi ka ba gumagamit ng RP ate?" 

"To busy on my career,"

"Wow! Edi sana all," sabi nito sa akin saka siya tumawa.

"May kalandian ka siguro doon? Aminin mo?" Sabi ko kaya natawa siya.

"Marami naman akong gano'n ate, you know me talaga ate." Sabi nito.

She's Ysabelle, the flirty pero ayaw sa commitment. Ewan ko ba, takot daw masaktan kaya ayaw sumagal. 

Pwew! Hindi pa kasi na feel kaya nasasabi.

"Sana lang talaga panahin ka ng kupido para umiyak ka bleh," sabi ko rito kaya natatawa ako.

"Gago! Malabo yun mangyari, ako iiyak sa lalaki pwe!" Sabi nito habang nakaturo pa sa sarili at umarte na nasusuka.

"Kakainin mo yung sinasabi mo makita mo lang, bawal magsalita ng tapos." Sabi ko saka naglakad paakyat ng kuwarto ko.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Where stories live. Discover now