kabanata 54

3.1K 239 91
                                    


———————————————

Jane's POV

Nagsisimula nang gumabi nang tumigil ang sasakyan ni Austin sa harap ng bus terminal. Hindi ko alam kung paano bibitawan ang kamay niyang hawak-hawak ko. In a way, I am missing him now. Now that it sinks in, parang sobrang tagal ng isang buwan para mawalay sa kanya. Kita ko narin ang pagsakay ng mga pasahero sa nakatigil na naunang bus. Nakita ko ang number sa gilid non. That's my bus too.

Napahinga ako ng malalim. Well, this is it. Ngumiti ako at nag-angat ng tingin kay Austin na hangang ngayon ay diretso parin ang tingin sa harap. Natigilan ako dahil sa kanyang malayong tingin. Pakiramdam ko ang lalim ng kanyang iniisip. Hindi ko na kinuha ang kanyang atensyon. Parang gusto ko muna siyang titigan ng matagal nang hindi niya napapansin.

Ten minutes before the bus leaves, tsaka lamang siya natauhan at bumaling sa akin. I was smiling when our eyes met. Iyon lang unti-unti ring napawi nang wala akong makitang kalambotan sa kanyang mga mata. For a moment I feel like I was looking in the eyes of a different person. It's my first time feeling this kaya medyo nagtaka ako sa kabang umatake sa dibdib ko.

"Austin," tawag ko sa kanya at umangat ang kamay upang hawakan siya sa mukha.

Hindi nagbago ang nakikita kong lamig sa kanyang mga mata. Kalakip non ang isang tingin na tila kay sakit at malalim. It may sound crazy but I think he's trying to mask that feeling with his cold façade. At hindi ko lang maintindihan kung bakit.

"Mahal mo ako diba?"

Napalunok ako sa kakaibang kislap sa kanyang mga mata. He never has to second guess that because I am ready to give him everything. Every corner of my heart he has already taken. Madali lang sa akin ang sagotin siya sa tanong niya, sobrang dali pero bakit bigla akong kinakabahan sa kanya ngayon.

Isang busina mula sa bus ang nagpabalik sa tingin ko doon. Hindi nalipat sa iba ang mga mata ni Austin. Isinantabi ko ang anumang kakaibang nararamdaman at niyakap siya. Para akong nakahinga ng maluwag nang maramdaman ang pamilyar na init ng kanyang mga bisig. The warmth and security of his embrace is overwhelming to me.

"Anong klaseng tanong iyan syempre mahal kita. Mahal na mahal kita Austin..." mahina kong bulong sa kanya habang ninanamnam ang unti-unting paghigpit ng kanyang yakap.

Muling narinig ang busina mula sa bus para sa mga pasaherong hindi pa nakakasakay. Napapikit ako at ibinaon ang mukha sa didib niya. "Kailangan ko nang sumakay."

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya pero nang tuloyan na akong kumalas upang matignan siya madali lang niya akong napakawalan tila wala nang lakas. Kita ko ang paghawak ng isa niyang kamay sa manibela ng kotse niya at ang paghigpit ng kapit niya doon. Nagsilabasan ang ugat sa kanyang braso at kamay tila kulang na lang masira niya iyon dahil sa matinding pagpipigil. Napaawang ang bibig ko dahil sa pagkalito pero sa kabilang banda I know he probably feels frustrated now that I need to take that bus. This is the first time we will be apart from each other without personally seeing each other's face when we want to.

"Austin..." Hindi ko mapigilan ang malungkot dahil sa kanya. At ngayon parang naiiyak naman ako. I've been trying to make it feel okay. I mean, it's not like we won't see each other again. Is this really how it feels to be away from someone you're in love with? It's just a month and I know we won't miss each other that much if we keep ourselves busy. I'll be busy for my family and he will... he will be, busy talking to... me? Sinubukan kong seryosohin ang boses at umaktong normal. "Kakausapin kita ng madalas, itetext at tatawagan. At saka sigurado akong mamimiss din kita kaya huwag na huwag mong kakaligtaan ang mga tawag ko ah."

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon