kabanata 28

3.2K 351 231
                                    

Austin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Austin's POV

Ilang sandali ko muna siyang tinitignan mula dito sa labas. Wala naman talaga akong hilig sa mga gan'tong bagay pero kung siya naman ang aantayin ko kahit ga'no pa 'yan katagal ayos lang.

Ngumisi ako. 'Di ko alam na mahilig pala siya sa mga ganitong lugar. May igaganda pa ba siya e gandang-ganda na nga ako kahit nga pangalan lang niya ang aking marinig. Ayaw ko na siyang istorbohin baka mamaya mapagkamalan pa 'kong snatcher t'ngina tingin ng tingin sa 'kin ang mga lumalabas.

Medyo nakalayo na 'ko don nang tumunog ang cellphone ko sa isang tawag. Si Brandon.

Sinagot ko na. "Hello"

"Sa'n ka pre?"

"Sa mall bakit?"

Tngina ang ingay na naman sa kabilang linya.

"Gago 'kaw nga yan brad tingin ka sa kaliwa."

Napakunot ang noo ko tsaka nailayo pa nga ang cellphone sa tenga. Pagtingin ko sa kaliwa t'ngina sa loob ng game shop. Kumakaway pa sila sa loob.

Pinatay ko na ang cellphone tsaka tinungo ang bandang 'yon.

Kaya pala sobrang ingay punuan na tong shop. Humalakhak si Brandon saka ako sinalubong at nakipagsalpukan ng kamao. Umakbay siya sa 'kin papasok sa loob.

"Tangina ang pogi naten ah. Sa'n 'yong chiks mo bro? Akala namin may naliligaw na artista e buti na lang matalas paningin ni Brandon." Umiling na ako kay Fred at nilapitan sila. Nakipag-appear ako sa kanya at kay Waren na itinaas lang ang kanang kamay sa 'kin pero ang atensyon ay tutok na tutok parin sa laro.

Napalingon ako sa kabuuan ng game shop ayos ah mukhang bago pa lang to pero punuan na. Ngising-ngisi si Fred tila ipinagmamalaki ang buong lugar.

"Sayo to pre? Hayup ah akala ko next month pa?"

Natawa pa ang gago. "Inadvance ni erpat 'yong graduation gift kaya nagbukas na agad. Okay ba?"

"Syempre mukhang matinding pagpipigil sa alak ang ginawa mo para dito. 'langya napaaga pa pala ang bukas." Naupo ako sa isang computer chair. Hanep mukhang mamahalin pa'ng mga gamit. Pangatlong shop na 'to ni Fred kung sakali pero 'tong bago ang pinakamalaki.

"Ulol di ako gaya niyo. Lalo ka nang t'ngina ka."

Puta natawa na lang ako hindi naman kasi masyadong sumasama 'tong si Fred sa inuman. Tinawag siya sa kabilang banda ng isang lalaki kaya nagpaalam na siya para makapunta ron.

"Nga pala mabuti nakita kita pre samahan mo 'ko."

Kunot noo kong binalingan si Brandon. Kingina ngayon ko lang napansin medyo pormal ang suot niya.

"Ano'ng trip mo ngayon tol tngina kung binyag yan wag na lang may inaantay ako."

"Gago saglit lang 'to. Tsaka 'yang si Waren may susunduin din 'yan maya-maya lang."

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon