kabanata 8

3.6K 1K 190
                                    

Austin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Austin's POV

Medyo natagalan ako pabalik mula sa parking lot. Tang'na naman kasi ang ganda-ganda ng mood ko tas may makikita akong di kaaya-aya. Pabagsak kong sinara ang sasakyan habang nakatingin sa dalawang taong hindi ko inaasahang makita ngayon. Lumabas si Tyron kasama si Margo mula sa isang SUV. May dalawang nakabuntot pa na body guard, tss. Ano to parade?

Pinagmasdan ko lang silang magkahawak kamay na naglakad patungo sa elevator. At kung sinuswerte nga naman madadaanan pa nila ako. Umiwas ako ng tingin. Buti na lang medyo gilid tong pinagpark-an ko kaso nong binalik ko ang tingin sa kanila bigla na lang napalingon sa 'ken si Margo.

Kita ko ang gulat na rumihistro sa mukha niya. Ayaw ko pero tangina napipikon na naman ako. Umiwas agad ako ng tingin at seryosong tumuon naman iyon kay Tyron. May benda pa ito sa kanang braso at may bakas parin ng ilang sugat sa mukha. Hindi ko mapigilang ipakita at mapang-uyam na ngumisi. Umabante si Tyron tila napikon din sa'kin.

"Tyron wag."

Hindi sang-ayong tumingin sa akin si Margo at hinila sa braso ang ungas niyang boyfriend palayo. Galit na naiwan parin ang tingin ni Tyron sa 'ken. Langya ang sarap muling upakan. Akala ko nga hindi na makakalabas ng ospital to eh.

"May araw ka rin sa akin Cruz. Tandaan mo yan," seryosong banta niya na inismiran ko lang at ngumisi. Napahagod ako sa buhok.

"Pagaling ka muna."

Pinatunog ko na ang sasakyan bago sila diretsong nilagpasan. Tangina kahit naman naturingan akong gago pagdating sa mga babae may damdamin din naman ako kahit papano. Hindi ako kailanman pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ang mga babaeng nakakahalubilo ko ay iba din naman ang habol.

Pero sa lahat ng mga babaeng 'yon ginusto kong magbago. Minahal ko si Margo, tinuring na prisesa. Ginawa ko ang lahat ng gusto niya. Alam ko noon pa man kaduda-duda ang relasyon nila ni Tyron. Putang ina kilala ko ang isang gaya kong tarantado kahit isang sulyap lang. Noon pa man sinabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko pero wala eh.

Pinili niya si Tyron. Ilang beses ko nang nahuli ang gagong to na may kasamang ibang babae pero ni hindi nga siya nadadala. Hindi ko alam kung bakit ang dali para sa kanyang makipag-ayos dito matapos siyang lokohin ng ilang beses. Balewala ang mga kasalanan ni Tyron sa kanya at sa tuwing pinupuna ko 'yon ako pa tong laging mali. Kaya puta kahit balibaliktarin ang mundo hindi ako nagsisisi na kahit papaano nagawa kong bugbugin ang gagong to.

Mulat ako sa buhay na hindi totoong may tunay na pag-ibig. Nanay ko nga nagkaroon ng tatlong asawa. Tatay ko naman nagawang magkaroon ng ibang pamilya. Pero isa lang ang alam ko. kung darating ang isang araw na magmamahal ako, alam ko sa sarili ko kung hangang saan ang kaya kong gawin... tunay man 'yon o hindi.

Patakbo akong bumalik sa toy kingdom. Ginala ko ang paningin habang inilalabas ang cellphone. Nang mahanap ko ang numerong tatawagan biglang gumaan ang nararamdaman ko. Napangiti ako sa di malamanang dahilan pota para na akong tanga. Kanina lang manununtok na 'ko ah.

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon