kabanata 20

3.3K 576 287
                                    

Jane's POVKararating ko lang sa bungad ng faculty office namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jane's POV
Kararating ko lang sa bungad ng faculty office namin. Lumingon ako sa lalaking biglang tumawag sa akin at napangiti nang makita si sir Jake na papalapit.

He looked really neat, clean and professional all the time. He is the type of person na unang sulyap pa lang alam mo nang mabuti siyang tao at may pinag-aralan. It's like gaining respect through his looks and kindness as a person. He is not intimidating sa halip para bang magaan siyang makasalamuha kahit dimo lubos na kilala.

"Good morning."

"Magandang umaga din."

"Papunta na ako sa klase ko. By the way I figured you liked the cake last time kaya may iniwan ulit ako sa table mo."

Tumingin siya sa relos niya. "Anyway mauna na ako. If you don't mind can we have lunch together?"

Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Umawang ang bibig ko ng ilang sandali bago ngumiti na lang at tumango sa kanya. He smiled back before heading out to his class. Nang maiwan ako, hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. Napaisip ako ng ilang sandali dahil tila may iba na akong napupuna sa nangyayari. This kind of feeling towards a guy like him felt suddenly familiar to me.

There's nothing wrong with that right? We are colleagues and he is also a friend so lunch with him should be fine. Siguro dala lamang ito ng pagkabalisa at hindi magandang pakiramdam.

Habang nag-aayos ng sarili at inihahanda ang gagamitin sa klase ko napatingin ako sa cake na nakalagay sa maliit na lalagyan. Kinuha ko iyon, kakainin ko na lang siguro mamayang break time.

Binilisan ko na ang pag-aayos at kinuha ang gamit ko. I feel like I want to enter my class very soon. Austin was absent for two days. Nakakapanibago na hindi man lang niya ako tinext kahit isang beses. Lagi niya akong tinetext at minsan nirereplayan ko naman. I was worried and I won't deny that unconsciously I was waiting for his texts. Even when I decided to stay away from him.

Nagbalik sa normal ang kilos ng mga estudyante nang pumasok na ako sa classroom. Siguro nagulat din sila na medyo maaga ako kumpara sa date. Nagsibalikan sila sa kani-kanilang mga upuan at bumati sa akin. I'm 5 minutes early this morning.

"Good morning Ms Jane!"

"Good morning class."

Ngumiti narin ako habang umiikot sa buong silid ang paningin ko. My eyes landed on an empty seat at the back. Natigilan ako. Mas lalong dumagdag iyon sa pag-aalalang nararamdaman ko mula pa nong isang araw. Ilang sandali pang nanatili doon ang tingin ko bago pinanatili ang natural na ngiti sa labi para sa buong klase.

I silently asked the students to get their books ready. Medyo bumigat ang pakiramdam ko ngayon. Hindi naman siguro siya bumabalik sa date niyang gawain diba? He said he changed so I was holding on to that. Ilang segundo ang lumipas at nanatili parin akong nakatingin sa klase. Medyo napapatingin narin sa likod ang iba dahil do'n.

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon