kabanata 7

3.7K 1K 209
                                    

Jane's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jane's POV

          SABADO ngayon, kaya gumala ako sa mall. Medyo hindi narin kasi ako nakakalabas nitong mga nakaraang buwan. Medyo paulit-ulit na ang mga suot ko. Mamimili ako ng mga damit. Okay lang iyong sapatos kasi puwede namang ulit-ulitin hindi masyadong pansin.

I can't help but be proud of myself na sumusweldo na talaga at puwede ko pang mapadalhan si Chester ng alawans niya kung gusto ko. Hindi naman kasi humihingi iyon sa akin. Sa aming dalawa mas gusto niyang umaarteng mas matanda kaysa sa akin.

Matapos kong bumili ng mga pangformal na damit medyo napagod ako at nagutom. Ang daming taong gumagala. Ngayong mag-isa ako, medyo nakakamiss si Ella kaya lang puyatan ang shift non kaya hindi nakasama. Isa pa... may isa din akong naaalala ngayon...

Si Max. Hindi na talaga kami nag-usap matapos ng gabing iyon. Syempre may nararamdaman parin akong sakit pero ngayon hindi ko na masyadong iniisip pa. Kapag masyadong pinag-iisipan, mas lalong nagiging masakit. Seeing some handsome faces look my way, I wonder if I could just forget and direct my attention to someone else. Ganon daw magmove on sabi nila eh. Napailing na lang ako sa sarili.

Gusto kong isipin na kahit papaano gusto kong maging okay parin kami. Kahit may mahal na siyang iba maging magkaibigan man lang. kaso, siguro hindi muna sa ngayon. We both know friendship won't work when we just broke up.

Noon... Namangha ako sa mundong tulad nito. Iyong susubok sa relasyon, magkakahiwalay, makakaramdam ng sakit at sa bandang huli magkakabalikan. Akala ko ganon lang iyon kadali pero kung sayo na pala nangyari, hindi na.

Pumasok ako sa isang food court. Karaniwan sa mga nakaserve dito ay mga Chinese foods. Mas lalo ata akong nagutom. Pumili ako ng pangdalawahang lamesa. Nilagay ko muna ang mga pinamili ko sa kabilang upuan. Tumayo na ako at naglibot para pumili ng oorderin.

"Tsk hoy bata tumigil ka na kung hindi iiwan kita dito."

Habang nakapila sa hilera ng spicy sea foods may nahagip ang mga mata ko sa medyo unahan. My eyes drifted on a particular built that is familiar to me. Nakatalikod siya sa banda ko. Isang matangkad na lalaki, nakaitim na damit, itim din na pantalon at sneakers. Nakapamulsa ito at nakadungaw sa isang maliit at cute na cute na batang lalaking mataba at sobrang puti.

"Sabi mo punta tayong toy kingdom. Bakit tayo andito?" ang malungkot na reklamo ng bata habang nakatingala.

Bilog na bilog ang mga mata nito at ang cute niya talaga kahita halatang naiiyak at malungkot.

"Kailangan nating kumain. Pinagod mo 'ko tas pupunta pa tayo ng toy kingdom?"

"Ang salbahe mo talaga kuya Austin. Kaya yaw ko sayo eh."

Nanlaki ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba eh. Bigla akong natawa, ang cute nila mag-away. Si Austin talaga to? Hindi ko siya kailanman naisip kasama ang isang bata.

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon