kabanata 35

3.2K 341 124
                                    

Jane's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jane's POV

Kabado ako habang nakatayo sa gilid ng pavilion kung saan nakaset-up ang lahat. This is where the graduation will be held. The large building was basically part of the school which is used for sports or public events but right now the principal decided to use it for the graduation ceremony. Part of the reason is that too many visitors are expected this year, dala narin siguro ng ilang sections ng seniors ngayon.

A lot of people are pouring in. Tumutulong narin kaming mga teachers, guiding them to where they are supposed to be seated. Parents lang ang pinapayagang pumasok at nabibigyan ng mga upuan. Iyong ilang mga nanonood ay nakatayo sa labas dahil hindi naman closed area ang lugar. They can still watch outside the rope barricade.

"Good morning po Ms. Jane! Parang mas lalo po kayong gumaganda ma'am," ang bati ng isa sa mga estudyante ko from the juniors. Sila ang incharge at host sa program maliban sa ilang mga teachers din.

Ngumiti ako sa kanila. "Thank you Reg."

All my students are as sweet as her at minsan nasasanay narin ako sa mga pambobola nila. Bumaling ako sa mga paparating na bisita. Most of them are parents with some photographers and some of the lower years who came to watch. Hindi na ako magtataka kung mapupuno ang venue dahil sa dami ng mga tao. Graduation is one of the happiest occasion in someone's life. I bet all of these parents and relatives wouldn't miss it for their... love ones.

Inayos ko ang buhok ko at pumunta na sa assigned seats namin sa medyo likorang bahagi. Naroon na ang MC sa harap. I am wearing a royal blue semiformal dress, sleeveles at saktong abot sa itaas ng tuhod ang haba. Muli akong napasinghap ng hangin habang napapatingin sa paligid. Austin said that he will surely wear a royal blue neck tie kaya dapat daw ganoon din ang kulay ng damit ko ngayong araw na ito. Seryoso siya sa sinabi niya kaya sumang-ayon na lang ako. He is really something lately... hindi ko mapigilang mapangiti.

The music is about to start for the marching part. Bumaling ang atensyon ng lahat sa likod. Nakaayos narin siguro ang mga graduates kasama ng mga magulang nila sa likorang bahagi. There are about 70 of them graduating this year.

Isang kaluskos at nakarating na si Ella sa tabi ko. Natawa ako dahil talagang dumating siya. She said she will be able to watch before her duty starts total ay ilang minuto lang naman ang layo ng school sa ospital kung saan siya nagtratrabaho.

"Oh my medyo nasira ang beauty ko don. I thought I was very late."

"No, ngayon pa lang din magsisimula. Nakascrub suit ka pa," mabilis siyang sumulyap sa kanyang kulay asul din na damit bago bumaling sa mga nakahilerang nagsisimula sa pagmartsa at pag-akyat sa stage.

"Wala akong time magpalit mamaya kaya eto na para diretso sa hospital pagkatapos nito."

Natawa na lang ako lalo at medyo inayos ang buhok niyang nawala sa ayos dahil siguro sa pagmamadali. "Sinabi ko naman kasing wag ka nang pumunta."

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon