kabanata 27

3.2K 364 222
                                    

Jane's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jane's POV

A lot of people still attended the service. Kasabay namin silang lumabas sa simbahan matapos ang misa.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin kay Austin. Nakita ko ang medyo pagkabalisa sa mukha niya habang tahimik at nasa daanan lamang ang atensyon. We are holding each others hands when we reached the last step of the church yard.

I still can't believe he came with me. Ngayon ay kunot na kunot na naman ang noo niya. Akala mo may nakagawa na naman sa kanya ng kasalanan. Hindi ko na talaga maitago ang kinikimkim na kasiyahan at malawak na ngumiti habang nakatingin sa kanya.

Sinabi niya kanina na hindi niya matandaan kung kailan ang huling pagpasok niya sa isang simbahan.

I know that he was not entirely comfortable the whole time we are inside the church. He looked lost while he silently stood and sat beside me. Kaya lagi kong hawak ang kamay niya at binubulungan siya sa mga dapat gawin. I would always smile at him every time our eyes meet.

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. He looks so cute, para siyang nahihiya. A notorious playboy like him actually knows how to be shy. Parang gusto kong kiligin at matawa habang iniisip iyon pero pinigil ko ang sarili.

Napakagat ako sa ibabang labi. "Sorry..."

Napatingin siya sa akin. Hindi siya agad nagsalita. Pakiramdam ko binabasa niya muna ang nasa isip ko.

Kumalabog agad ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. In just a few seconds ako naman ngayon ang biglang nailang sa titig niya. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Bakit, iniisip mong napipilitan ako sa pagsama dito?"

Napaawang ang bibig ko pero hindi ko alam kung ano ang susunod na sasabihin. Nagsisi tuloy ako kung bakit naisipan ko pang magsorry. For all I know he is really uncomfortable with this. Tipid akong ngumiti at kumapit na lang sa braso niya.

"Hmm lunch na tayo. Saan tayo kakain?"

Tinitigan niya ulit ako. Hindi na niya suot ang cap kasi tinanggal niya 'yon nong nasa loob kami ng simbahan, kaya kitang-kita ko ang kulay ng mga mata niya. Ngumiti siya sa akin.

"Iniiba mo na ngayon ang usapan." Binalingan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at kinuha iyon. He entertwined his hand with mine. "Babe, masaya ako... Ilang taon narin mula nong huli kaya ayos lang kasi ikaw naman kasama ko ngayon."

"Talaga? Pero bakit ang tahimik mo?"

Hindi ito sumagot. Ngumisi lang at humarap sa simbahan.

"Iyong sinabi ng pari kanina. Sabi niya lahat ng hihilingin kay big boss magkakatotoo 'yon. Totoo ba 'yon?"

Having the large vicinity of the church as a view, the people are laughing around us and some are taking pictures with their families. Natuwa ako sa kanila. Nagtataka ko siyang binalingan hindi parin napapawi ang ngiti sa labi.

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon