kabanata 12

3.6K 1K 104
                                    

Austin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Austin's POV

"O isang shot muna diyan!"

Gago tong mga to. Kelan pa nagkaron ng inuman sa harap ng karinderyang to. Sumaglit muna ako at bumili ng yosi sa maliit na tindahan. Sinindihan ko narin gamit ang lighter nilang nakatali sa bintana. Diko nga alam kung pano ako napadpad dito.

"Uy bata lika dito tumagay ka!" inanyayahan pa 'ko ng isang akala mo nakalunok ng malaking lobo sa laki ng tiyan. Tangina konti na lang mapagkakamalang nagdadalang tao. Ayaw pa magsuot ng damit pota.

Geh pagbigyan natin. Wala rin naman akong balak bumalik sa condo. Bored na bored na 'ko don walang magawa. Hindi ko nga alam na napalayo na pala ako at nakarating dito. Tangina masaya to isa sa mga paborito ko ang makipagtagayan sa mga tambay dito sa kanto e... Apat na malalaking tao ang kaharap ko ngayon sa lamesa. Dati ko nang kilala ang isa sa kanila, alam kong isa to sa mga siga sa lugar na'to.

Dipa man ako nakakaupo aba tangina inabot na agad sa'kin ang isang baso na may lamang ginebra. Puta kung alam kong may inuman dito sana pala nagdala narin ako ng alak. Gusto ko rin makipulutan mukhang masarap yung nakahaing pusit don.

Isang tagay lang yun, anak ng gago. Isa na nauwi sa marami. Di nagtagal nasali narin ako sa nag-iingay na mga lasing dito sa kanto. Medyo dumami nga ang nakakainoman namin ngayon eh naengganyo siguro dahil sa lakas ng tawanan.

"PANALOO!"

"Isa na naman!"

"Bumunot ka na! kailangan ko nang tumaya!"

"Ulol Batsing TALO KA NA! HAHAHA!" halos magsapakan ang dalawang asa harap matapos kung ibagsak ang baraha ko.

Nakakatuwa talaga to! Tangina tinamaan na talaga ako. Makailang panalo ko na sa sugal naming ginaganap ngayon puta walang binatbat pala ang mga 'to eh. Haha tsamba wala pa akong masyadong ginagawa bumabale na. Nakaipon na ako ng ilang daan dahil sa sugal na to.

"Laro tayo ulit hindi ako papayag! Ikaw bata!"

Ang kamapante ko tangina tsk ako pa ba. Syempre tumaya ako. Nilabas ko nga sarili kong pera para pumusta. Lahat yun kasama ng napanalonan ko. Initsa ko yun sa harap sabay tagay muna. Aba seryoso tong mga hinayupak na to malaki din ang tinaya. Nagsigawan pa mga nanonood sa'min akala mo naman sila ang maglalaro.

Andon na eh asa kalahati na kami ng laro nang mapansin kong tagilid kung makatingin sa'kin ang kapustahan ko pota. Mapapahamak ako neto pag naipanalo ko ulit. Gago pag ako pinuruhan ng mga to ngayon todas ako. Tinaya ko pa naman lahat ng pera ko tanginang yan. Nakakapikon naman!

Pisting buhay to, oo! Gago pinatalo ko na. kelangan ko narin namang umalis baka mamaya kung san pa umabot tong walang kwentang sugalan na 'to.

"Alis na 'ko mga pare!"

"Aay wala ka pala eh! Sa susunod bawi ka bata!"

Bugok! Akala mo nanalo sa loto pasalamat ka teritoryo mo to kundi tadyak aabutin mo sa'kin. Nakipagtawanan na lang ako langyang yan. May konting tama narin eh. Lumapit na lang ako at natampal siya sa balikat ng may kalakasan. Tangina wala akong pamasahe pabalik anak ng---

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon