kabanata 9

3.6K 1K 148
                                    

Austin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Austin's POV

Sa kagustohan kong mapansin niya sinubukan kong ayosin ang sarili ko. Kaso 'langya iniisip ko pa lamang ang tipo niya sa isang lalaki mapapamura nalang ako. Pumasok sa utak ko yong itsura nong kausap niyang teacher sa school. Pano yon tangina ayaw ko sa pormahang ganon.

Makailang ulit kong ginulo at inayos tong buhok ko sa side mirror ng sasakyan habang hinihintay siyang lumabas mula sa apartment nila. Kaya naman nang kita ko na siyang marahang humahakbang papunta rito sa'kin, napaayos na ako ng upo at bumuga ng hangin. Pansin kong saglit siyang natigilan nang makita akong nakapark sa harap. Nitext ko siya kaninang umaga at sinubukan niyang tumanggi pero andito parin ako.

"Austin."

"Good morning Ms."

"G-good morning. Sinabi ko na sayo hindi ka na dapat pumunta."

Ngumisi ako at ipinilig ang ulo upang senyasan siyang pumasok na sa sasakyan. Dumarami narin ang mga tao sa paligid. Lihim kong pinagmasdan ang suot niya ngayon. Bumagay sa kanya ang dilaw na ternong blusa at hapit na palda. Ang cute pero sexy. Ang ganda niya talaga. Medyo natagalan siya sa pagpasok sa sasakyan ko dahil sa suot. Ipinatong niya ang dalang folder sa dashboard bago pumasok at naupo sa passengers seat.

Sh*t tangina ang bango-bango na naman niya. Tinalo pa niya ang inispray kong pabango sa sasakyan kanina. Marahil naramdaman niya ang mariing titig ko dahil napatingin siya sa 'kin habang nilalagay ang seat bealt niya.

"B-bakit?" natawa pa siya nang may pagtataka.

Diko mapigilang ngumisi sa kanya.

"Susunduin din kita bukas at sa mga susunod na araw."

"Austin naman hindi mo naman na kailangang gawin iyon. Diyan nga lang ang sakayan namin ng jeep o."

Napatingin ako sa mahabang pila ng pasahero sa tabi. Abangan yun ng mga jeep na dumadaan. Natigilan siya at medyo sinilip din ang bandang yon.

"Yan? Pila niyo pa hangang dulo di pag ganon nalate ka na. Ayos lang naman sa'kin ang isabay ka na lang."

"Hay tigas talaga ng ulo." Tngina natawa na lang ako. May pabulong-bulong pa siyang nalalaman.

Pinaandar ko na lang kotse ko at mabilis na nilisan ang lugar na yon. Habang nagmamaneho diko mapigilang mapasulyap-sulyap sa kanya. Nakatingin kasi siya sa labas ng bintana at tila may iniisip.

"Uhh... nagawa mo na iyong requirements mo?"

"Oo. Andyan sa bag baka gusto mong tignan."

Tumango-tango naman siya. Bumaling siya sa bag kong nakalagay malapit sa kanya.

"B-bubuksan ko na ah. Gusto kong tignan na ngayon para malaman kong maisusubmit ko ang grades mo ng mas maaga."

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon