kabanata 16

3.5K 891 293
                                    

🌹 ⓨⓞⓤ ⓘⓝⓢⓟⓘⓡⓔ ⓜⓔ.🌹

Jane's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jane's POV

Marahan akong bumaling sa pagkain at itinuon na lang ang atensyon doon. Whoever that girl was, wala na akong pakialam but she surely gave me a fallback. Pilit kong itinago ang hindi magandang pakiramdam ko ngayon lalo na nang makabalik na siya at naupo muli sa harap ko.

Tumikhim ako at ngumiti sa kanya.

"Okay ka lang?" sabi ko at saglit lang siyang sinulyapan.

Tumitig lang siya sa akin. Ilang sandali pa akong naghintay ng sasabihin niya, pero hindi siya sumagot.

"May problema ba?" muli kong tanong. Nag-angat na ng tuloyan ang tingin ko sa kanya at parang iyon din ang hinihintay niyang mangyari.

Bumuntong hininga siya.

"Pasensya na. Hindi totoo ang mga sinabi niya."

Tumango ako. "Naiintindihan ko. ah... sino siya?"

Medyo hindi naging maganda ang hangin sa paligid naming dalawa. Tumayo siya at parang walang nangyaring ngumiti. "Kukuha ako ng juice. Ano'ng gusto mo?"

Nagulat ako kaya saglit na umawang ang labi pero hindi agad naproseso ng isip ko ang tanong niya. Juice? Bumaling ang tingin ko sa mga palamig na nasa counter. Did he just avoid my question? Tipid akong ngumiti.

"Ah orange juice nalang, salamat."

Hindi na ako tumingin sa kanya. Ayaw kong pag-isipan ng hindi maganda ang pag-iwas niya pero mas lalo lang iyong dumagdag sa hindi magandang pakiramdam ko ngayon. Hindi dapat big deal sa akin kung sino man ang babaeng iyon pero mas nagugulat ako sa reaksyon ko tungkol don.

Umiling ako. Ayaw kong magduda kay Austin. Hindi niya magagawa sa akin iyon. The feeling of being cheated on slowly crept into my system. Oh god Jane stop.

Napahawak ako sa ulo at napapikit habang binubura ang mga namumuong spekulasyon. The memory of Max started to come back to me. Ibinalik din non ang sakit dulot ng panloloko.

Nang makabalik kami sa sakayan ng jeep nanatili parin akong tahimik. Saka lang ako bumaling sa kanya nang nandoon na kami sa bungad at sasakay na lang ako. Ngumiti ako sa kanya.

"Salamat, dito na ako. Bumalik ka na sa teammates mo. Paniguradong hinihintay ka na nila."

Tumango siya. "Mag-ingat ka. Text mo 'ko pagkauwi mo."

Ilang beses akong napapabuntong hininga habang nakatingin sa kawalan. Umandar na ang jeep at matagal nang umalis si Austin. Iritado akong huminga. Bakit... Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon?

"Hoy! Nakikinig ka ba?"si Ella habang hawak ang isang bowl ng popcorn sa kandungan at kasama ko ngayong nanonood ng isang palabas.

"You're keeping a secret from me Jane. I can feel it." Tinignan niya ako ng may naniningkit na mga mata. Ganito na siya simula nong nalaman niya ang paghihiwalay namin ni Max. Galit na galit siya noon kay Max mabuti na lang talaga hindi ko sinabi sa kanya ng maaga.

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon