kabanata 17

3.5K 830 234
                                    

💦Maraming salamat sa inyo, maingay man o silent readers. I am enjoying writing and sharing stories dahil sa inyo.💦

Austin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Austin's POV

Habang pinapanood silang matamis pa sa asukal ang ngitian sa isa't-isa, umiinit ang dugo ko. Umiwas na lang ako ng tingin tangina. Tsk, mamaya ka sakin... Nakatambay lang ako dito sa waiting shed, medyo malayo sa gate ng skwelahan. Nakita ko siyang lumabas kasama ng lalaking kapwa niya guro. Tangina, ang sarap sanang lumapit pero hindi magandang ideya iyon. Ayaw kong makagawa ng bagay na baka pagsisihan ko rin.

Dumaan lang naman ako sandali dahil gusto ko siyang makita bago siya umuwi. Kung pwede nga lang siyang puntahan sa opisina nila kaninang umaga kaso hindi ko na nagawa. Baka di ako natuloy sa pagliban sa klase pag ginawa ko iyon. Lakas makaguilty pota, pag nalaman niya magtatampo iyon.

Sumandal ako sa sementadong poste na punong-puno ng kung ano-anong bandal habang bumubuga ng usok. Humithit ako muli sa yosi ko bago tinapon iyon sa tabi. Tsk, ilang stick narin ng sigarilyo ang naubos ko kakahintay dito.

Inantay kong makaalis ang jeep na sinakyan niya bago lumapit sa motor kong nakaparada sa gilid at sumakay. Inayos ko ang helmet at tuluyang pinaharurot ang motor paalis.

Mga tatlumpong minuto lang ang tinagal at nakarating na ako sa harap ng malaking gusali, Gunyon Cruz Medical Hospital. Isang unipormadong guwardiya ang agad na lumapit sa akin nang iparada ko mismo sa harap ang motor.

"Ser. Mawalang galang na ho pero hindi ho ito parking space---"Malakas kong tinulak sa dibdib niya ang helmet kaya naputol ang iba pa niyang sasabihin at napahawak na lamang siya d'on. Bawal dito? Oo alam ko iyon. Hinagod ko ang buhok kong natural na wala sa ayos.

"Sandali lang ako," at naglakad na papasok sa ospital na bukod sa malaki, sa labas pa lang pansin na ang maaliwalas at yayamanin na interior nito.

"Teka lang ho sir..."

Ito ang isa sa ospital na pag-aari ng pamilya ng aking ama.

Hindi ako madalas dito maliban na lang kung importante gaya ngayon. Habang naglalakad, ilan sa mga nurse na nadadaanan ko ang napapalingon sakin. Pano ba kasi restricted ang direksyon kung saan ako dumiretso. Tumunog ang beep nang lumagpas ako sa automatic sliding door kung saan nakasulat ang VVIP Rooms. Sa loob nito tumungo na ako sa pinakaunang pinto.

"Excuse me sir bawal po ang pumasok diyan. SIR!"

Isang nurse ang mabilis na humarang sa akin nang akma kong bubuksan ang isang pintoan. May hawak pa itong medical kit sa kaliwang kamay at tila nagmadaling mapigilan ako sa pagbukas ng silid. Anak ng... kung kelan nangmamadali iyong tao.

Tinignan ko lang siya at napabuga narin ng hangin. Natigilan agad siya no'ng makita ako, halata ang pagtataka sa hitsura. Habang nakatingin ng matagal sakin unti-unti ang pamimilog ng mga mata niya. Nakatitig lang ako sa kanya.

🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ONE)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon