Chapter 3 : When Tempers Flare

165K 4.6K 2.9K
                                    

THEO'S POV

Pagkabukas ko palang sa locker ko ay tumambad na agad sa akin ang mukha ni Cassidy. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang ngiti sa mukha niya ngunit kapalit nun ang pangungulila.

Mag-iisang taon na pero sariwang-sariwa parin ang sakit.

Kamusta ka na Cassidy?

Masaya ka ba kung nasaan ka man ngayon?

Are you still hurting? Kasi ako Oo -- Araw-araw.

I miss you... I miss both of you.

"Hey Mathew Kim!" 

Yung boses na yun. Tsss.

"Fuck off Sebastian" Sinadya kong ipahalata sa kanya ang pagkairita ko upang tantanan niya ako. Hindi ako lumilingon sa kanya dahil baka hindi ako makapagpigil at magulpi ko lang siya. Nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng mga gamit ko.

Imbes na umalis ay sumandal lamang siya sa katabi kong locker. "Theo next week will be Cassidy's death aniversary, Gusto kitang mainterview para sa school paper. It will surely catch our readers attention!" 

 What the hell.

Mga walang kwentang tao. Like a moth to a flame, these bastards turn people's tragedy into a circus for their own personal gain.

"Die you bastard" I glared at him as I slammed the locker door shut and walked away.

 Pero hindi parin siya tumitigil sa pagsunod sa akin.

Si Seb ang head journalist ng school kayat napakapakialamero at bwisit yan sa buhay ko. Parati niya akong kinukulit pagkatapos ng mga nangyari.

"But Theo this could help both of us! This could help you too, Para rin maka move on ka na diyan kay Cassidy. Bro dont be such a wuss" 

Natigil ako sa paglalakad. Agad kong binitawan ang mga dala kong libro. Sa galit ko'y marahas kong hinigit ang kwelyo ng uniporme niya hanggang sa unti-unti siyang masakal.

"You stay the hell away from me! You got that?" Pinanlisikan ko siya ng mga mata at mas hinigpitan pa ang hawak sa kanya. Ubo siya ng ubo.

"Wait Theo Chillax lang! Chillax!" Wala akong ibang nakikitang rumehistro sa mukha niya kundi takot. Nakikita kong namumula na ang mukha niya at halos di na siya humihinga kayat niluwagan ko na ang hawak sa kanya.

"You got that?!" Sigaw ko ulit sa kanya habang nanlilisik ang mga mata.

Hindi niya na magawang makatingin ng deretso sa mga mata ko at dali-dali siyang tumango na para bang takot na takot. Duwag. tss.

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon