Chapter 42 : Far From Over

90K 2.8K 2.9K
                                    

CASPER'S POV

 Muli na naman niya kaming kinulong sa kwarto pagkatapos niya kaming pakainin.

Nakaupo lang kaming lahat sa sahig habang si Bishop ay nakaupo sa harapan naming lahat. Hawak niya ang baril kayat nag-iingat kami sa bawat kilos namin.

Kakaibang kriminal din tong lalaking to , parang napaka-kalmado lang niya.

Parang may hinihintay siyang mangyari...

Ang pinagtataka ko lang , Kung balak niya talaga kaming patayin , bakit hindi pa niya ito ginagawa?... Kanina , magiging madali sa kanya ang lahat kung nilason niya kami.

Sana nga totoong nasa loob lang si Red.

Sana nga matutulungan niya kami.

Sa baril ay mayroon nalang apat na bala.

Kung mamalasin , maaaring may masaktan pang iba.

"So lets cut to the chase here!... Ano ba talaga ang balak mong gawin sa amin?! " Arkin

napangiti ulit si Bishop.

"Its too soon to say....I'll wait for the right time" Bishop.

"ano pa ba ang punto nitong ginagawa mo?! Please just let us go , we wouldnt tell anyone! " Juancho

Biglang tumayo si Bishop sa harapan ni Juancho.

*BOGSH*

Agad umalingawngaw ang napakalakas na putok ng baril , napakalakas nito kayat napadapa nalang kami.

Kitang-kita naming lahat ang paglupapay ng walang buhay na katawan ni Juancho sa sahig.....Kitang kita namin ang mukha niyang may malaking butas gawa ng baril... Nagtalsikan ang dugo niya sa dingding , samantalang ang kanyang utak at dugo ay nagkalat sa sahig.

Muling nagsigawan kaming lahat.

wala na naman kaming nagawa.

"Tss..worthless..." pasinghal na saad ni Bishop.

- - - -- -

Tahimik kaming lahat habang Palakad lakad lang siya sa harapan namin na para bang pinagmamasdan ang bawat mukha namin. 

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon