Chapter 37 : The bloodier , The better

82.5K 2.7K 1.5K
                                    

LEXI'S POV

Biglang lumakas ang hangin , pakiramdam koy nawawalan ako ng balanse sa sarili kong katawan.

Hala , malalaglag na siguro ako.

patay ako kay Red...

nagulat ako nang bigla akong nakaramdam na may yumakap mula sa likuran ko.  Bahagya akong hinila nito paatras kayat hindi ako nahulog.

Shit yung puso ko....

kinabahan ako dun.......muntik na akong matigok..

agad akong napadilat dahil naalala ko na may nakayakap pala sa akin.

"Kung magpapakamatay ka sabihin mo dahil sasabay ako sayo...Para saan pa ang pagsali ko sa suicide pact" bulong ni Casper 

Si Casper pala.

agad akong kumalas mula sa yakap niya at pinitik ang noo niya.

"Gago...nagpapahangin lang ako"


tumango lang si Casper habang may nakakalokong ngiti sa mukha niya na parang hindi siya naniniwala sa akin.


"Palusot...Upo" casper

bigla siyang umupo sa sahig kayat umupo nalang din ako sa tabi niya.

nagulat ako nang bigla niyang ipinasuot sa akin ang jacket na dala niya. Nakaramdam ako ng saya. Sa kabila ng lahat ng mga nangyari ay may mga natitira parin palang mga taong nakakapagpasaya sa akin.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kanya

"Iche-check ko sana kung nakainom ka na ng gamot mo kaso pagpunta ko dun wala ka. Mahilig ka magtambay sa mga rooftop eh kayat nagbakasakali ako" Casper

tumango nalang ako at agad na napatingala sa langit , bahagya akong napangiti ng makita ang napakaraming bituin sa langit.

"Ngumiti ka...Kahit nasasaktan ka pilitin mong ngumiti..Maraming nasasaktan kapag nakikita ka nilang ganyan...Pilitin mong ngumiti , malay mo maloloko mo ang sarili mong masaya ka talaga...mabuti yung ganun dahil atleast matututunan mong maging masaya ulit." Casper

bigla kong naalala si Red...

naalala ko yung lungkot sa mukha niya..

napakalaki pala ng kasalanan ko sa kanya.

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon