Chapter 31 : Bitter Reality

78.5K 2.8K 1.8K
                                    

A/N : Second half na ng story. Marami ang magbabago.

Expect New Characters and New Churvaness sa darating na mga chapters.  

^__^

ENJOY READING ♥



THIRD PERSON’S POV

Aligagang Napatingin ulit si Red sa relo niya.

Alas-dos na ng umaga pero hindi parin nila nahahanap sina Lexi.

Sinapo ni Red ang ulo niya at tumingala…halos maiyak na ito sa pag-aalala.

“Dude calm down” mahinang bulong ni Casper sa kanya

Agad nakunot ang noo ni Red.

“CALM DOWN?...HOW CAN I BE CALM KNOWING MY LITTLE GIRL IS OUT THERE WITH THAT SON OF A BITCH WHO SHOT ME?! “ buong lakas na sigaw ni Red kayat napatingin sa kanila ang mga tao sa police station.

Ilang oras na nilang sinusuyod ang lungsod para mahanap sina Lexi ngunit hindi parin nila ito nakikita. Saglit silang pinapunta sa police station para interviewhin ng mga police patungkol sa patayan at pagkawalang nagaganap.

“Tama si Casper. Hindi makakatulong ang temper mo sa sitwasyon natin..Limang minuto pa tayong nandito , hintayin lang nating matapos sila sa pag-alerto sa ibang pulis tungkol sa pagkawala nila. Pagkatapos nun aalis na tayo sa nyetang lugar nato.” sabat din ni Robbie na tahimik lang ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

napailing nalang si Red

“Fvck this.. I cant stand a minute longer in this fvcked up place.. I need to find them… I have to find her” Red

Akmang maglalakad na palayo si Red nang biglang lumabas ang pulis mula sa kanyang opisina.

 agad itong humarap sa kanila.

“Iho matanong ko lang..maaari kayang nagpunta sa isang abandonadong amusement park ang mga kaibigan niyo?” biglang tanong ng pulis.

Agad napatayo sina Casper at Robbie..

Biglang napalingon si Red sa pulis.

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang tungkol sa abandonadong amusement park.

“B..bakit sa amusement park? Anong nangyari?” Robbie

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon