Chapter 2 : The Others

227K 5.8K 3.6K
                                    

LEXI'S POV

Nasa kalagitnaan kami ng history class namin ngayon. Lechugas napaka-boring ng teacher namin. Yung boses niya napaka-malumanay, parang pinapatulog ka talaga.

"Huy, inaantok ka?" tanong ng seatmate kong si Theo

tumango lang ako tapo bigla niyang kinuha ang kamay ko at pinisil ang kuko ko. 

WAAAAAAAAA! ANG SAKIT!

"Youre welcome" wika ni Theo na parang wala lang at bumalik sa pakikinig sa teacher namin.

Tumango lang ako dahil parang nawawala na ang antok ko. Parati naman namin tong ginagawa kapag nakakaantok ang teacher kayat sanay na ako.

 Close kami ni Theo mula first year pa lang kami pero napakalaki na ng pinagbago niya ngayon. He was the wonder boy ng campus. Parating nakangiti at napakasaya. Pero ngayon anlaki na talaga ng pinagbago niya, di ko siya masisisi dahil napakasama ng pinagdaanan niya last year.

"ARAAAY ! " napasigaw ako nang biglang may kumurot sa pisngi ko..

Nagtinginan sa akin ang lahat pero ako, nakatingin lang ako sa posporong pumisil sa pisngi ko. Nasa likuran ko si Red at tawa lang ng tawa

"Bwisit ka! Bakit mo ginawa yun?!" sigaw ko habang hinihimas ko ang pisngi kong pulang-pula. 

"kulang yung ginawa ni Theo eh"  Sagot ni Red sabay smirk. Shit! Gusto ko siyang patayin!

Aawayin ko pa sana si Red nang biglang sumigaw ang teacher namin. "Ms.Conception! Dinidistorbo mo yung klase ko, Detention now!"


Dafuq?! Detention na naman! Nakakasawa na! Humanda talaga tong si Red sa akin!

 

"Sorry po mam" Sabi ko sabay dungo at agad na kinuha ang detention slip sa kanya.

"You too Mr. Adriano! Detention!" Yun! Buti nga! 

Tiningnan ko siya ng masama ngunit tinawanan niya lang ako.

Palibhasa sanay si Red ma-detention.

- - - - - - -

Nandito kami ngayon sa principal's office

Hindi na to bago sa akin dahil suki na din ako dito. Matataas naman ang grades ko kaya lang parati akong nahuhuli na natutulog sa klase kaya diretso ang byahe ako dito.

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon