Chapter 44 : Shit Happens

94.5K 3.4K 5.3K
                                    


ROBBIE


Nyeta! Ang sakit ng tiyan ko! Diyos ko!

Lesson learned: Always Check The Expiration Date!


Takbo lang ako ng takbo. Wala na akong pakialam pa, magkamatayan na pero kailangan ko na talagang ilabas to! Kung mamamatay ako ayos lang bastat mailalabas ko to!

Ayokong dalhin sa langit tong yellow submarine ko, nakakahiya sa diyos.

Nakahinga ako ng maluwag nang maaninag ko ang karatula ng banyo. Dali-dali akong tumakbo papasok ngunit bigla na lamang sumalubong sa akin ang isang napakasangsang na amoy.

"Diyos ko!" Agad akong napasinghap at napapikit. Tumigil ako sa paghinga. Napahawak ako sa dibdib ko, samantalang ang isang kamay ay nakatakip naman sa bunganga ko.

Ayokong huminga dahil ayoko ng malanghap pa ang nakasusulasok at nakakabaliktad ng sikmurang amoy ng banyo—Mabaho! Sobrang mabaho! Nyetang bwisit napakabaho!

Ang manyakis, hindi man lang nagawang mag-flush!

Walang hiya ka Peter! Masasapak ko ang walang hiya mong pagmumukha 'pag nagkita tayo!

Ang malaking banyo ay nangangamoy patay na daga. Napakaraming patay na daga na minassacre to be exact!

Langya lalabas na talaga! Bakit ba napakamalas ko?!

Napasipa nalang ako sa isang pintuan dahil sa inis. Inipit kong mabuti ang ilong ko at huminga na lamang sa pamamagitan ng bibig.

Napatingin ako sa limang magkakatabing cubicle. Napamura nalang ako at dali-daling pumasok sa pinakadulong cubicle dahil ito ang pinakamalayo mula sa cubicle na may pasabog ni Peter.

Tatanggalin ko na sana ang sinturon ko nang bigla na lamang kumalabog ang pinto ng banyo na para bang may pumasok.

Nanigas ako sa kinatatayuan. Pinakiramdaman ko ang paligid at sunod-sunod akong nakarinig ng mga yabag at mga boses sa paligid ko. Pinakinggan ko ng mabuti ang mga boses kaya sigurado akong hindi ko ito kilala at hindi ito sa mga kaibigan ni Rain.

Tuluyan akong nakaramdam ng kaba at nagsimulang mamuo ang butil ng pawis sa noo ko.

Nyeta, gusto ko lang namang ilabas tong sama ng loob ko. Masyadong malupit sa akin ang tadhana!

Tinakpan ko nalang ang bibig ko upang hindi nila marinig ang mabigat kong hininga. Hindi ko na alam kung paano ako hihinga, basta ayokong malanghap ang yellow submarine ni Peter.

Dahan-dahan kong sinilip ang paanan ng banyo.

Natakot ako dahil halos limang pares ata ng paa ang nakikita ko.

Napaatras ako upang hindi nila makita ang paa ko.

Kumakabog ng napakalakas ang dibdib ko. Mahirap mang aminin pero natatakot na talaga ako. Madami sila kaya wala talaga akong kalaban-laban nito.

"King! Walang hiya ang baho dito!" Narinig kong may sumigaw. Iba talaga ang kamandag ni Peter.

"Lucifer tiisin mo na, akala ko ba naiihi ka?" Hindi ko kilala kung sino ang nagsasalita pero sa tantya ko, hindi ito na ito isang binatilyo—Pero teka, bakit pamilyar yata ang boses niya. Hindi ko lang maalala kung sino.

"Oo nga Bilisan mo na dahil gusto ko ng malaman ang nangyayari dun sa baba. Ughh, grabe naman ang baho dito!" Sigaw pa ng isa.

Gusto kong tingnan ang mga mukha nila kahit mula lang sa ilalim ng pinto kaso natatakot akong sumilip dahil baka makita nila ako.

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon