Author's Note + FAQ + FACTS

86.4K 2.3K 563
                                    

Sleepy's Note: Thank you so much for reading this story inspite of its errors and mess. I'll try my best to improve myself as a writer in both the storyline and my writing style. Again, Thank you ♥

This book is the start of the PACT Series. The pact series is composed of :

1. Our Suicide Pact  - Which kakatapos mo lang basahin haha

2. Dying To live Again - This is the Sidestory of OSP at ito ay tungkol kay Red Adriano matapos nang mga nangyari sa OSP. Just click the external link kung gusto mo itong basahin or just type this :) http://www.wattpad.com/story/4351108-dying-to-live-again

3. Fear Thy Pact - The official sequel of OSP. New Pact, New Rules, and Level-up na. wahaha. Check my profile if you want to read it or just type this http://www.wattpad.com/story/4323145-fear-thy-pact

4. Zugzwang: The Final Pact -  http://www.wattpad.com/story/7201665-zugzwang-the-final-pact This is the third and last part of the pact series. The version 2.0 of Death and Nightmare.

5. Let's Make A Pact - A special book about the pact series. It is a prequel wherein maipapakita kung paano nagsimula ang The Anonymosities :)

Again, Thank you and Godbless ♥

- - - - - -- 

Frequently Asked Questions.

1. SOFTCOPIES? 

- Pasensya na talaga pero wala, medyo busy na kasi ako ngayon dahil sa exams wala akong oras. ^__^

2. Sino ang pumatay kay Casper?

- Drake killed him. Rook lang at knight ang pwedeng pumatay ng pawn. Tapos nung nagtakbuhan sila pabalik sa mansyon ay biglang nawala si Drake diba? ang totoo ay sadya siyang humiwalay sa kanilang lahat at nagtungo sa daanang malayo sa mansyon para masiguradong walang makakaalis kayat nang makita ni Drake na nakasakay sa motor sina Casper at Lexi habang papaalis ay kaagad na niya itong binaril. 

Si Drake din ang nagdala kay Lexi/keith pabalik sa mansyon matapos itong mawalan ng malay. After nun nangyari na yung hagdan moment nila ni Master Robbie.

3. Sino-sino ang mga napatay ni Lexi/Keith?

- Si Donnie ang unang solo na napatay niya. Kasunod niyang pinatay ay si Miggy pagkatapos ay si Raven. Nang mapatay na ni Keith si Raven ay kaagad niyang napakawalan si Bishop.

4. Sino ang nagtali kay Chloe?

-Si Bishop.

5. Kailan pa nagsimulang lumabas si Keith?

= Nung Chapter 18 dun nagsimulang lumabas si Keith dahil sa depresyon ni Lexi. Hindi lang binanggit. (bawal banggitin dahil masisira ang twist. hahahah)

5. Sino si Marco?

= Si Marco at Marcus ay iisa , namali ko lang ng pagtype ang spelling ng pangalan nila. hahahahaha. Makakalimutin kasi ako tapos nakakapagod mag-edit. hahaha

6. Ano nang mangyayari kay Red? Itatakwil kaya siya ng mommy nila dahil pinatay niya ang tunay na anak nito?

= Ewan ko PERO ... matagal ng inihanda ng mommy nila ang sarili nila na mangyayari yun. May isang chapter nun. di ko lang maalala.. Basta ipinahiwatig dun na dapat daw gawin ni Red ang kailangan niyang gawin kahit na patayin niya si Lexi.

7. Sino sina LUCIFER , SHADOW etcc???

= Mga knights din sila.. CODENAME nila yan... sila Jacob at Hunter ay walang codename. Si Arkin meron , SNIPER.

8. MAY SEQUEL BA??????

= Yup meron at ito ay FEAR THY PACT (just click the external link or watch the trailer) Siyempre new characters. Ang story ay tungkol na sa laro nila "Lucifer".  Mas makikilala niyo pa ng lubusan sina KING at ANG GANG NILA at past nila.

9.MAGBABALIK BA ANG MGA SURVIVORS SA SEQUEL?

= Hindi ako sure kung sino-sino ang mga magbabalik.. Pero kung magbabalik man sila MALAKI ANG POSIBILIDAD na matigok na talaga sila.

10.  Bakit sinaktan ni Jacob si Lexi nung nasa amusement park sila?

= Gaya ng sabi ni Jacob , maging sila na mga knights ay nagkakatrayduran nadin. Gusto kasi nilang dalawa ni Hunter na ma-solo yung pera. 

- - - -- -

FACTS.....and clues

1.Yung sa CHAPTER 7 : AIRSOFT . huling lumabas si Arkin sa maze kasama sina Chuck at Rain , kaya siya nahuli ay dahil ibinabaon pa niya doon ang baril. Napilitan si Arkin na sumali sa DARES nila para hindi siya mapaghinalaan.

2. Si Arkin yung nakaligtas sa Spray paint incident ni Peter.

3. Sa chapter 25 flashbacks , BUNSO ang tawag ng Daddy ni Lexi sa kanya. Never binanggit ang pangalang LEXI at NEVER ko ding binanggit ang kasarian ni Keith.

4. Nagkakilala sina KEITH at KING noong Chapter 18. hindi lang ito binanggit para hindi mawala ang thrill ng twist.

5. Si Jacob ay kasali din sa mga batang nakid-nap. Inilayo siya kay Cassidy at sa kanyang pamilya dahil masama ang naging epekto sa kanya sa pagkakidnap sa kanila noon. kumbaga pareho sila ng napagdaanan ni Keith , mas malala lang talaga kay Keith. hahaha. TRANSFEREE si Jacob kayat walang nakaalam na magkapatid sila at hindi na niya ito naabutan ng buhay

6. Sinubukan nilang mga knights ng mga maskara kaso ewan , nabaduyan na yata sila. hahaha XD

HANGGANG DITO NALANG..

hindi ko na matandaan yung ibang clues.. hahaha XD kakapagod mag-back read. hahaha

At sanay susuportahan niyo parin yung FEAR THY PACT ^___^

Thanks guys 

GOD BLESS ♥

babushhhh ^___^

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon