Chapter 34 : A brother's love

90.2K 2.8K 1.2K
                                    

RED'S POV

"TULUNGAN NIYO AKO!! AAAHHH! LAYUAN MO AKO!!! "

agad akong napabangon mula sa kinahihigaan ko at agad na tumakbo papunta sa kwarto ni Lexi. Pagdating ko doon umiiyak siya . Dali-dali ko siyang niyakap at inalo.

"Shhh...panaginip lang yun..hindi ka niya masasaktan! nandito si Kuya" mahinang bulong ko sa kanya habang hinihimas ang likod niya. takot na takot parin siya.

patuloy parin siyang humahagulgol.

Ganito kami gabi-gabi. Nagigising siya habang sumisigaw. Marahil napapanaginipan niya yung mga nangyari. Awang-awa na ako sa kanya. 

natulog nalang ako sa tabi niya para hindi na siya matakot pa.

Akala ko magbabago na si Lexi pagkatapos ng libing pero wala rin pala. Nakatulala parin siya , hindi nagsasalita at hindi parin kumakain. Nasa kwarto lang siya parati.

"Alexis hanggang kailan ka ba magiging ganito?!" 


Minsan hindi ko maiwasang mainis sa kinikilos niya. Alam ko mahirap para sa kanya ang mga nangyari pero at some point kailangan niyang mag move-on. Kinaya niya noon kayat sana naman kayanin parin niya ngayon.

"Wag mo na ngang sisihin ang sarili mo sa mga nangyari... wala kang kasalanan! " ako

napatingin siya sa akin.

nabigla ako nang makitang lumuluha na pala siya.

"Walang kasalanan? Red utang na loob itigil mo na ang kasinungalingan na yan! Sa loob ng napakaraming taon naging bulag ako sa katotohanan pero ngayon alam ko na ang totoo!" Sandali siyang tumahimik para ibato sa sahig ang tray ng pagkain na nasa harapan niya"Alam ko na kung bakit ayaw sa akin ni Mommy! Naaalala ko na ang mga nangyari sa amusement park!!! Alam ko na ang dahilan ng pagkamatay ni Daddy! " sigaw niya at agad na napahagulgol.

 Gulat na gulat ako sa narinig.

agad bumuhos ang luha ko. Naaalala na niya......

teka yung gamot pala niya!

agad kong tiningnan ang cabinet niya at nang mahanap ko ang gamot niya ay laking gulat ko dahil wala na itong laman.

putangshit!

ilang taon na namin siyang pinapainom ng ganito , hindi siya pwedeng tumigil sa pag-inom kundi maaalala niya yun.

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon