Chapter 7 : Airsoft

114K 4K 1.1K
                                    

- - - - - -- - - - - - - - -


LEXI'S POV

madali lang nakabangon ang school mula sa nangyaring trahedya. Galos at sugat lang naman ang tinamo ng mga studyante. Isa lang ang patay at yun ay si Carlo.

Wala kaming pasok ngayon dahil may Airsoft tournament din kasi kami. 

Ito yung gusto ko sa pagiging senior students , may ibat-ibang games na nagre-require sa aming sumali para daw mas ma-enjoy namin ang highschool life kasama ang batchmates namin. Ang bait ng school namin  *Q*

 truth be told , classmates ko lang yung mga kakilala ko. ewan ko pero hindi na kasi ako mabilis magtiwala sa mga tao. Though namumukhaan ko ang ibang schoolmates namin , di ko lang talaga maalala ang names nila. 

"Alexis Coleen Conception utang na loob bumaba ka na! male-late na tayo!" sigaw ni Red

 ayun whole name ko na talaga ang isinigaw ni posporo , galit na yan! hahaha

natagalan kasi ako sa pagpili ng damit. Siyempre may game kami kayat hindi kami magu-uniform. 

"Opo Lolooooo! " sigaw ko

pagkababa ko sa hagdan bumungad agad sa akin ang mukha ng posporong pinsan ko na may dalang isang papel. 

heto na si Red at ang kanyang magic checklist.

"Gatorade?" red

tumango ako

"Lunch and spare snacks? " Red

tango ulit

"Extra shirt at face towel mo? " Red

tango ulit

Pwede bang mag headbang nalang ako?! kanina pa ako tango ng tango

"Red naman 1 whole day lang tayo dun .. tara na" ako sabay hatak sa kanya palabas ng pinto pero ayaw talaga.. ang bigat ng loko.

"Aishh.. wala doon ang lockers natin mahirap na.. Allergy meds mo?" Red

napakamot nalang ako sa ulo ko..

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon