Chapter 39 : Truth Hurts

77.2K 2.7K 2K
                                    

RED'S POV

gulat na gulat si Casper sa kanyang mga nalaman.

Nanlaki ang mga mata niya at halos hindi siya makapagsalita. Marahil iniisip niya ang lahat.

"Ngayon alam mo na ang katotohan...Alam mo na kung bakit ako ganito pagdating sa kanya." 

hindi parin nagsasalita si Casper.

kilala ko tong lalaking to , siguradong ang lalim na ng iniisip nito.

"Wag mong sabihing na turn-off ka na sa pinsan ko?...If so , naiintindihan kita" sabi ko ulit sa kanya at tinapik ang kanyang balikat bilang tanda na rerespetuhin ang kanyang magiging reaksyon.

agad niyang itinaas ang ulo niya at tiningnan ako sa mata.

"No...I love her , nothing will change that." seryosong saad ni Casper at agad na tumayo.

"O saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Pupuntahan ko si Lexi. Angal ka?" Casper

natawa nalang ako.

Maswerte si Lexi dahil mahal siya ng kaibigan ko.

"Sumama ka alam kong na miss mo na yun" Casper

oo nga naman.

nahahawa na talaga ako sa pagiging engot ni Peter.

Bakit nga ba hindi ako bumisita sa babaeng yun. hahaha

- - - -

Habang naglalakad kami ni Casper papunta sa kwarto ni Lexi ay para akong shunga.

Nagsuot ako ng jacket at hoodie para lang walang makakilala sa akin.

Shit para akong si Kokey nito -_-

Pagdating namin sa kwarto ni Lexi ay hindi kami nahirapan sa pagpasok dahil hindi naman niya ini-lock ang pinto. 

Laking gulat namin ni Casper sa nadatnan pagbukas namin ng pinto.

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon