Chapter 20 : Unspoken Truth

104K 3.3K 3.5K
                                    

GUYSSSSS! Sobrang THANK YOU sa inyong votes at comments at lalong lalo na sa pagbabasa kahit na nagiging boring na . ahihihihi..

 May positive side din pala tong thesis...binigyan kami ng password ng wifi ni professor. ahihihihihi :D thank you prof kong terror...naka-update tuloy..nyahahahaha :D

PASENSYA NA , HINDI PO AKO MAKAKAREPLY SA MGA QUESTIONS & COMMENTS NYO DAHIL BAKA MADULAS ANG AKING DILA AT MABULGAR ANG HINDI DAPAT... AHIHIHIHI :D

 - - - - - -- - - - - - - -- - -

LEXI'S POV

nang makarating na kami sa school ay wala pa sina Casper.

hindi kami pinapapasok sa loob dahil may mga pulis kayat sa katapat na Cafe nalang kami pumasok.

ilang minuto kaming naghintay nang biglang pumasok si Hunter.

"Guys " tango ni Hunter at agad na umupo sa tabi namin

"Asan si Theo?" Peter

umiling lang si Hunter

bahagyang nakunot ang noo niya nang makita ako

"Lex sumali ka?" tanong ni Hunter na halatang nagulat.

agad akong umiling

 heto na naman sa tayo sa paliwanagan portion.

"Napagbintangan ako ...pinadalhan ako ng sulat kahit di naman ako sumali " ako

 binigyan niya ako ng REALLY look at bahagyang napangiti.

"Kahit papaano nakaka-relate din ako sayo lex... " Hunter

"Bakit naman?" tanong din ni Peter

napangiti si Hunter ngunit bakas ang lungkot sa mukha niya.

"Sumali lang naman ako para pigilan si Theo na magpakamatay. Alam ko kasing sumali siya tapos naisip ko na baka kung sumali ako , may magagawa akong paraan para di siya tumuloy . Kaso di ko alam na madadamay pala ako sa gulong to" Hunter

nakaramdam ako ng awa kay Hunter.

Alam kong nagawa niyang sumali dahil bestfriend niya si Theo... Hanga talaga ako kay Hunter dahil kahit na may pagka-tarantado  siya di niya talaga pinapabayaan si Theo.

“Nasabihan ko narin si Jacob. Darating siya ngayon“Hunter

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon