Chapter 26 : Decoy

83.3K 2.9K 2.3K
                                    

A/N : Sa mga mobile readers , guys wag niyo po sanang basahin o idownload yung mga may nakalagay na DRAFT. madumi yun. hahahaha :DD Tinatamad akong magtype sa MSWORD kayat nagda-drafts nalang ako. hehehehe :DD Tenkyuuuu ♥

 LEXI’S POV

“Lexi lumabas ka na mahahanap din kita… Pagbabayaran mo pa ang ginawa mo sa mukha ko “ Sigaw ni Jacob habang tumatawa.

Kinikilabutan ako sa tuwing naririnig ko ang boses niya.

Nandito lang kami at nagtatago sa likuran ng isang lumang aparador na nasa corridor.

Alam kong oras na makita niya kami ay papatayin na niya kami. Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko , napakalakas na ng pagkabog sa puso ko. Halos naiihi na ako sa takot.

“HOY! “ Bigla kaming nakarinig ng malakas na sigaw mula sa labas at kasunod nito ay malakas na tunog na parang may nahulog.

Nagulat kaming dalawa ni Rain sa nangyari ngunit hindi parin kami lumabas mula sa pinagtataguan namin.

“Lex… ano na ang gagawin natin” mahinang bulong sa akin ni Rain kayat agad akong napalingon sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya para punasan ang luha sa mga mata niya.

“Shhh..” ako

Nakita ko siyang umiiyak at takot na takot kayat agad kong hinawakan ang mga kamay niya. Ang isat-isa nalang ang tanging makakapitan namin ngayon.

Nagulat ako nang biglang nanlaki ang mga mata ni Rain.

Nakatuon ang atensyon niya sa likuran ko.

“Lex…” mahinang bulong ni Rain..

*Gulp*

Parang alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari.

“FOUND YOU! “

Biglang sumigaw si Jacob na nasa likuran na pala. Kinikilabutan ako lalo dahil tumatawa pa si Jacob.

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon