Chapter 33 : Grief

84.6K 2.8K 2K
                                    

RED'S POV

"Lex sige na naman oh..kumain ka na" pangungumbinsi ko sa kanya.

ilang oras na akong nakaupo dito sa kama niya pero hindi man lang siya tumitingin sa akin.

Nakaharap siya sa binta , Nakatingin sa kawalan at umiiyak.

matapos siyang madischarge sa hospital ay naging napakahirap na para sa amin ang kausapin siya. Nasa kwarto lang siya parati at nagmumukmok. Kapag kinakausap namin siya ay parang wala lang sa kanya. Alalang-alala na kami.

"Lex subukan mo namang kumain man lang...kahit na ilang subo lang." ako

di parin niya ako pinapansin.

"Lexi na mukhang beki utang na loob kumain ka na kundi ako yung uubos nito" biro ko sa kanya ngunit wa epek parin.

ilang araw na siyang ganito kayat napipilitan nalang kaming turukan siya ng dextrose. Apektado kaming lahat sa mga kinikilos niya ngayon.

"Aalis muna ako ngayon... huling gabi na kasi ng burol nila,  di ka ba talaga sasama? nandun sila Casper..may makakausap ka dun kung nagsasawa ka na sa mukha namin ni mommy?" ako

nagpatuloy lang sa pagtulo ang luha niya....

awang-awa ako sa kanya, hindi ako sanay na makita siyang ganito...Hindi ko matanggap na nagbalik na ulit ang dati....

"Nga pala nagising na daw kanina sina Peter at yung iba. Gusto daw nilang bumisita kaso di ko pinayagan. Nakaka-stress ang mukha ni Peter baka mawalan ka lalo ng ganang kumain. hahahaha " ako

pakshet mukha akong tanga.

walang ibang tumatawa.

"Lex awkward na masyado magsalita ka naman oh" agad akong kumuha ng panyo mula sa cabinet niya at pinunasan ang luha niya. "subukan mo kayang mag-pulbo man lang. hahaha..di biro lang..mukha ka paring beki " ako

hindi ko namalayan tumutulo narin pala yung luha ko.

agad akong tumayo dahil ayokong makita niya akong ganito.

Galit ako sa sarili ko. Kung sana nandoon ako mapo-protektahan ko siya. Ang sakit lang isipin na siguro hinahanap niya ako noon para may poprotekta sa kanya , pero wala ako dun. 

"Sino si Keith?" 

O_O

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon