Chapter 17 - Huli pero hindi kulong

2 1 0
                                    

Huli pero hindi kulong

Grabe talaga 'yung saya kapag mahal mo 'yung kasama mo, makakalimutan mo 'yung mga bagay na iniisip mo at nagpapabigat ng nararamdaman mo.

"Don't leave me again please," nakita kong nakatingin pala siya sa akin ngayon.

Nandito kami ngayon sa rooftop at nakahiga dahil sabi niya ay nabalitaan niya daw na ngayon magkakaroon ng meteor shower, gusto lang namin magwish dahil wala namang masama kung maniniwala kami dun.

"I don't want to make promises because all of them are meant to be broken," kaya mas gusto kong gawin kaysa ipangako at umasa lang siya.

"Just promise me with this one. Don't just believe on what they say or what you hear, ask me if you are doubting on something," tinitigan niya ako ng seryoso na para bang humihingi ng assurance.

"If I make that promise tapos hindi ko na naman nagawa, masasaktan na naman kita" tama na siguro 'yung isang sakit hindi ba? Dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigyan niya pa ako.

Two chances are enough because giving three and up is too much at para bang inaabuso mo na ang kabaitan ng partner mo kapag ganun.

"Don't think about the consequences, ang advance mo naman kasi mag-isip"  ramdam ko ang lalim ng paghinga niya, alam niyo 'yung pwede na akong malunod.

"Hindi naman kasi natin hawak ang tadhana pati na ang mga mangyayari kaya mahirap na mangako. But sige, just this time, I swear that I will never leave you again." Inilapit ko sakaniya ang pinky finger ko.

"Pinky swear!" nakangiti ito habang tinitignan ang mga kamay namin.

Gagawin ko ang makakaya ko para matupad ko sayo ang pangako ko pero paano kung ako naman 'yung iwan mo? We don't even have any idea of what destiny we have, hindi natin alam kung ano ang plano nila sa atin pero sana sabay tayong lumaban.

"IF we get married, hindi mo na kailangan magtrabaho para hindi ka na mahirapan," nasaksihan niya kasi kanina kung paano magwala ang isa sa mga pasyente ko. Well that's my job, kaya kong pagtyagaan ang mga ganoong behavior nila, asar talo ako pero mahaba ang pasensya ko sa mga ganitong bagay.

Lagi lagi niya akong ginugulo dito sa opisina ko, napakachill na tao nitong si Apollo na parang walang trabaho dahil ilang linggo na siya dito pero wala pa rin siyang ginagawa at wala ata siyang balak na umuwi.

"I don't want to be a pabigat to you" sagot ko sakaniya habang nagsusulat.

"Hindi ka naman pabigat sa akin, kaya naman kitang buhayin at ang magiging pamilya natin" parang planadong planado na ang future.

"Pero ayokong umasa lang sa pera mo pati sayo, gusto kong kumita ng sarili kong pera" ayokong may nasasabi ang mga tao tungkol sa nanggagamit ako ng iba para lang magkapera, I want to be an independent woman kahit na magkaroon na ako ng pamilya o asawa.

"Kung gusto mong magtrabaho, 'wag na sa ganito. Pakiramdam ko ay mapapagod ka na sa amin palang ng pamilya natin tapos ganyan pa yung ugali ng mga pasyente mo" mas mukhang frustrated pa siya kaysa sa akin na nakakaexperience nito.

"Ginusto ko naman ang ganitong larangan, bakit ko 'to pipiliin kung hindi ko naman pala kayang maghandle 'di ba?" Kasi kung una palang ay hindi ko na kaya, hindi ako tatagal dito kung ganun.

"Iba na kasi 'yun, love. Mas kailangan mo na kaming pagtuunan ng pansin sa mga panahon na 'yun" napapangiti naman ako dahil sa mga sinasabi nito, excited niya naman ata na maging asawa ako, hindi naman na 'ko makakawala pa sayo.

"Matagal pa naman 'yan kaya hayaan mo muna akong magisip para sa magiging desisyon ko para diyan sa gusto mong mangyari ha?" Hinawakan ko ang mukha niya at nginitian siya, wala naman na siyang nagawa kung hindi ang tumango at sumang-ayon sa gusto kong mangyari.

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon