Prologue

25 1 0
                                    

Prologue

"Mommy, I want that!" Turo ng turo si Ley kay mama ng kung ano anong nakikita niya sa Mcdo.

"Dami mo naman pinabibili, ngayon ka lang ba nakakain dito?" Halos linggo linggo naman kaming nagpupunta dito pero parang ngayon lang ata pinakain dito 'to.

"Ano bang pakialam mo? Edi magpabili ka din" inilabas niya ang dila niya at ganun din ang ginawa ko para mainis siya.

"Nyenyenye, sana hindi bilhin ni mommy 'yung laruan na gusto mo" pangaasar ko dito kaya naman agad siyang nagsumbong kay mama at best actress dahil may paluha pa.

Sumbungera talaga 'yan kahit kailan, wala ng bago dun at dahil babae kaya laging kinakampihan.

I'm busy eating my food ng may pumasok na bata sa entrance at may kasama itong matandang lalaki na siguro ay tatay niya. Hindi ko alam kung bakit pero napukaw niya ang pansin ko.

"You like that girl? She's cute" She teased me, siniko pa ako. Nakita niya pala ang tinitignan ko.

"Ofcourse not, ang bata pa natin para sa ganyan, palibhasa ikaw ang dami mong crush" sagot ko dito habang sinusundan ko ng tingin ang bata.

Nakita kong hindi maalis ang ngiti sakaniyang mga labi mula ng makapasok siya dito, she's cute lalo na sa suot niyang strawberry dress and her bag also is a strawberry design. Hindi halatang mahilig sa strawberry.

"Akee finish your food" pagsaway sa akin ni daddy ng mapansin niya na hindi ko na ginalaw ang aking pagkain.

Si Ley ay sinusubuan pa dahil baby pa daw, baby her face baka baby damulag. She's 5 years old right now and she's acting like a baby.

"Why are you looking at me? Are you planning how you'll push me to that slide?" Tinuro niya ang slide na nasa banda ng palaruan nitong mcdo.

"Salamat at binigyan mo ako ng ideya" kahit ata anong sabihin ko dito ay isusumbong ako ng isusumbong kanila mommy, ang sarap talaga itulak sa slide tapos kapag bumagsak una mukha.

She finished her food at tapos na din ako kaya naman nagpaalam na kaming maglalaro na kami, ganito naman kasi ang nakasanayan namin kapag pupunta kami sa mga ganito.

"'yung kapatid mo Akee bantayan mo, sinasabi ko sayo kapag 'yan ay bumalik na umiiyak dito malilintikan ka sakin" pagbabanta nito, favorite si Ley porket babae at nabibihisan niya ng kung ano ano.

Tumango naman ako para makaalis na kami dun. Ang role ko lang ata kapag nasa fastfood chain kami ay maging taga-bantay ni Ley, tinalo ko pa ang bodyguard pero sabi nila mommy ay ganito naman daw ang gawain ng kuya sakaniyang nakababatang kapatid.

"Oh ayun 'yung crush mo makipaglaro ka na dun" tinuro ko pa sakaniya ang sinasabi ko at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Hoy ano ba naman 'yan? Nakita mo palang kinikilig ka na, hindi ka naman type niyan" pero hindi niya ako pinansin at nagdirediretso na siya dun sa crush niya kaya hinayaan ko na din.

Naging crush niya 'yan dahil tulad namin ay lagi din itong nandito tuwing linggo, pagkatapos din nilang magsimba ay saka sila pumupunta dito gaya namin, base lamang ito sa kwento ng aking kapatid.

May nakita akong isang bata sa isang sulok, wala siyang kalaro at pakiramdam ko ay magkasing edad lang kami. Lumapit ako ng konti para mas makita ng maigi ang itsura niya.

Nagulat ako ng siya pala 'yung bata na tinitignan ko kanina na hindi mawala ang ngiti sa labi ngunit ngayon ay wala na ang mga ito sakaniyang mga labi at lungkot nalang ang nakapaskil dito, naisipan ko itong lapitan.

"Hi" bati ko dito at naupo sa tabi niya, hindi naman ako ganon kalapit, sakto lang ang distansiya namong dalawa.

Halos mapatalon siya ng mapansin na may tao pala sa tabi niya, hindi ko maitanggi na ang cute niya nga talaga lalo na kapag nasa malapitan na.

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)Where stories live. Discover now