Chapter 10 - Ticket

7 1 0
                                    

Ticket

Napapansin ko na sa lumipas na araw pagkatapos niya malasing ay iniiwasan niya na ako. I tried to contact her but I got no answer. Kapag naman magdodoorbell ako sa bahay nila ay walang nagbubukas o baka sinasadya niya lang.

To: Tadhana ko

Did I do something wrong?

I don't know if how many times I asked her that question pero wala naman akong nakukuha na kahit anong sagot.

Kulang nalang ay mag-akyat bahay ako sa bahay niya para malaman ko kung ano na ba ang nangyari sakaniya lalo na at hindi pa siya naglalalabas or baka naman hindi siya lumalabas kapag alam niyang paparating na ako.

To: Tadhana ko

Please answer me, I just want to know so I can make it up with you. Ang hirap ng hindi mo ako pinapansin :<.

Para na akong tanga dito, naflood ko na nga ata to ng messages dahil sa dami ng message ko sakaniya sa bawat araw pero wala pa din namang epekto sakaniya.

Bawat papasok ata ako ng opisina ay nagiisip lang ako ng plano paano niya ako papansinin. At napagisipan ko na talaga ngayon na aakyatin ko nalang yung gate nila, kaya ko naman siguro 'yun, medyo aagahan ko din 'yung uwi ko baka maabutan ko siya sa labas.

"Punyeta Apollo kung ano ano na pumapasok sa isip mo, kakakilala niyo palang nagkakaganyan ka na" pagalit ko sa sarili ko, naaning na ata ako kasi kinakausap ko na 'yung sarili ko.

Pero pursigido na talaga ako kaya ang dating uwi ko na halos lampas ala singko ay ginawa ko ng alas tres para lang maabutan na baka nasa labas siya.

Nagsearch ako ng pwede ibigay if ever na kailangan mo magsorry sa isang tao at sa palagay ko ay tama naman itong napanood ko na vid ng magjowa kasi mukha namang nagkakabati nga sila dahil dito.

Pumunta ako ng mcdo dahil nandun ang mga kailangan kong bilhin na ibibigay ko kay Destiny.

Masyadong viral yung video na 'yun kaya magtitiwala ako kasi pakiramdam ko ay ginagamit din yun ng iba para magkabati sila ng isang tao. Ang hirap pala talaga mangsuyo kapag hindi mo naman alam 'yung kasalanan mo.

Nang malapit na ako ay nakita ko siyang nasa labas na nagsasara ng gate at palinga linga na para bang may pinagtataguan at sino pa nga ba 'yun edi ang gwapong si Apollo.

Ihininto ko na ang sasakyan ko sa medyo malapit at hindi ko na dinala pa sa malapit sakaniya dahil baka pag napansin niya ako ay umalis siya bigla.

Dinala ko ang mga binili, please lang gumana ka nakakainis kung hindi.

"Mukhang aalis ka ngayon ah" banggit ko dito ng nasa likod niya na ako, halatang nagulat siya pagkalingon niya sa akin.

Ngumiti siya sa akin ng hilaw at kitang kita na hindi niya inaasahan na darating at makikita niya ako.

"I-ikaw p-pala Apollo" nauutal na siya kaya napaseryoso naman ako ng tingin sakaniya, hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nangyayari sakaniya.

"Ako nga Destiny, may iba ka pa bang inaasahan?" Tinignan ko siya, yung tingin na akala mo ay malulusaw siya.

"H-hindi ko lang inaasahan na darating ka kasi 'di ba madalas gabi ka na?" Nagtataka niyang tanong, syempre inagahan ko para maabutan kita, gusto ko sana 'yang idagdag pero 'wag na baka lalong lumala.

"Mukhang may pupuntahan ka ah?" Tinignan ko ang suot niya dahil parang magpaparty sa ganitong oras.

"Ah oo, may lakad kasi ako e, nagmamadali ako kaya baka pwedeng next time nalang tayo magusap?" Dadaan sana siya sa gilid ko pero hinarangan ko siya.

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)Where stories live. Discover now