Chapter 5 - Girlfriend

17 1 0
                                    

Girlfriend

"Maam you can seat here" narinig kong sabi nito sa babae na kasama niya, maam daw e.

Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin na sa gilid, wala akong pakialam kung sino ang magiging katabi ko.

"Hoy snobber ka ba?" Napalingon naman ako dito dahil baka ako ang kinakausap nito.

Nagulat naman ako ng si Destiny pala ang katabi ko, ang tadhana nga naman kung kailan ko iniiwasan na isipin 'yung tao saka pa itatabi sa akin.

Hindi niya ata kasama ang boyfriend niya ngayon, ano 'yun hiwalay sila kapag mamamasyal?

"Tss. Stalker" bulong ko sa sarili ko at binaling na ulit ang paningin ko sa iba.

"Assuming ka talaga! I'm not your stalker, hindi ko nga akalain na dito ka din nakasakay"

"Oh nasan yung boyfriend mo, bakit nagiisa ka?" Hindi ako concern, gusto ko lang malaman kasi kagabi ay hindi niya din naman ito kasama.

"Sinong boyfriend?" Nagtataka pa ito sa sinasabi ko, alam niya naman kung sino ang tinutukoy ko.

"Baka ako"

"Weh kailan pa? Hindi manlang ako nainform"

"Syempre yung kasama mo sa kwarto kagabi!"

"Oh bakit parang nagagalit ka?" Natatawa siya sa akin kahit wala namang nakakatawa at sinong nagagalit? Ako?

"Mukha ba akong galit ha? Ang ganda mo kausap, sinasagot mo din ng tanong yung tanong ko."

"Oo maganda din kasi ako kaya ganun" akala ko ako na ang mayabang sa aming dalawa pero may yayabang pa pala sa akin.

Akala ko ay makukuha ko na ang sagot na gusto ko pero baka naman natutulog pa ang boyfriend niya kaya hindi siya masamahan, bahala sila relasyon naman nila 'yan kaya ano nga bang pakialam ko.

"Alam mo ba? Sherkolang ha pero ngayon lang ako nakasakay sa ganito" hindi ako nagsalita pero hindi ba manlang siya dinadala ng boyfriend niya sa ganito tapos ngayon ay parang wala pa itong kapaki pakialam kay Destiny dahil hinahayaan niya lang ito na mag-isa.

"This is also my first time here in Disneyland, sherkolang ulit kahit wala ka naman pakialam" mukha ngang kabisado niya ito tapos ngayon lang?

"Hindi ka ba dinadala ng boyfriend mo sa mga ganito?" Hindi ko na talaga napigilan ang pagtatanong.

"Sino bang boyfriend ang sinasabi mo ha? Kanina ka pa, ano una ka pang nakaalam na may boyfriend ako, samantalang ako walang kaalam alam?" So ano niya ba 'yung lalaki kahapon?

"E di ba boyfriend mo 'yung kasama mo sa hotel room mo kahapon?" Halos matawa pa siya sa sinabi ko pero pinigilan niya ito para hindi makuha ang atensyon ng iba.

"Si Kaed?" She chuckled.

"Malay ko di ba, kilala ko ba 'yun?" Tanungin ba naman ako ng pangalan nung lalaki na 'yun e hindi ko nga kilala 'yun pero ang pangit pangalan palang wala ng pantama sa akin.

"Si Kaedan lang naman kasama ko sa kwarto ko kahapon" nagiisip pa siya na baka meron pa.

"So boyfriend mo nga?"

"Syempre hindi, he's just my best friend" paliwanag niya sa akin.

"Best friend pero nasa iisang hotel room? Ano 'yun best friend with benefits?" Hindi mawala ang kunot sa noo ko dahil sa naiisip ko.

"Ang dumi ng utak mo Apollo! Syempre umalis din siya kagabi at hindi sa hotel room ko nagstay"

"Sure ba 'yan? Hindi naman masama magsabi ng totoo, hindi naman kita ijajudge"

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)Where stories live. Discover now