Chapter 8 - Fall

10 1 0
                                    

Fall

"Para saan naman 'to?" Bungad niya sa akin ng makarating ako sa veranda.

"For breakfast?" I smiled at her.

"I can cook for my own breakfast naman kaya bakit nagabala ka pa?"

"Ayaw mo ba? Naisipan ko lang naman na bilhan ka din dahil nagorder ako ng para sa akin" napakamot nalang ako sa batok ko, ayaw niya ata nito.

"No it's not that, by the way thank you for this"

"No problem, basta para sayo. But if you don't like that, you can throw it. Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo, so I just think that you would like my favorite fastfood"

Mcdo is my favorite fast food chain, siguro dahil lagi kaming dinadala dito at pakiramdam ko ay walang makakatalo sa lasa ng kanilang pagkain.

Nagpadeliver ako nito ngayon dahil nakakahiya naman na lagi nalang akong dinadalhan ni Destiny ng pagkain dito samantalang ako ay walang binibigay sakaniya. Kwento lang ata ang nagiging ambag ko sa breakfast namin.

Sa ilang araw na lumipas na sabay kaming magbreakfast or basta kumain kapag hindi busy sa kanya kanyang ginagawa at nagkakaabutan dito sa veranda, nagkekwento na siya sa akin katulad nang matagal daw siyang hindi nakauwi ng Pilipinas dahil sa trabaho na mayroon siya sa New York, naisipan kong ito 'yung ipakain sakaniya kasi malay ko ba kung kumakain siya ng fast food sa ibang bansa kasi baka lagi lang siyang nagluluto.

"No! I won't waste this. This is my favorite too, what a coincidence?" Natawa pa siya habang binubuksan 'yung inorder ko para sakaniya.

"Really?" Akala ko ayaw niya ng mga ganito kasi parang ang hehealthy ng kinakain niya at parang ang dami niyang time para ipagluto pa ang sarili niya, hindi katulad ko na marunong ngang magluto pero wala namang sapat na oras.

"Yes and sobrang tagal ko ng hindi nakakakain nito dahil na din sa tinatamad akong magpunta ng mga fastfood chain, mas gusto ko din ang lutong bahay kaysa bumili ng bumili. Bakit pa ako bibili kung kaya ko namang magluto para sa sarili ko 'di ba?"

Tumango ako dahil totoo naman ang sinabi niya, tipid din sa pera kung siya na ang gagawa para sa sarili niya, lalo na at kaya niya naman.

"Hmmm, I miss this smell" nakita kong parang nilalanghap niya 'yung amoy nung pagkain niya ng mabuksan niya ito.

"Baka maubos mo 'yan kakasinghot" nagtawanan naman kami.

"Sakto at nuggets pa ang binili mo ha, stalker ba kita? Bakit alam mo ang mga favorite ko?" She teased me.

"Ganun ata talaga kapag itinadhana, alam kung ano ang gusto at mga paborito" I winked at her.

"Asa ka naman talaga diyan no"

"Ikaw nga niluto mo din nung unang bigay mo sakin ng pagkain ay sinigang at nagkataon na 'yun ang paborito ko, pinagbintangan ba kita na stalker kita ha?"

Nagkibit balikat nalang ito at nagsimula ng kumain, ganun din naman ang ginawa ko.

Lagi din kaming sabay na kumakain kapag umaga dito sa may veranda at gaya nga ng nasabi ko kanina, siya ang nagluluto ng umagahan kaya masyado kong pinaaga ang pagpapadeliver para hindi na siya magluto pa. Sabay kaming nakakakain dahil maaga ang gising niya at ako din naman dahil may pasok pa ako sa opisina namin.

"Anong balak mong gawin ngayong araw?" Parang hindi naman kasi ito umaalis ng bahay niya at parang wala din itong trabaho.

Sana all chill lang.

"Hindi ko din alam e, nabuburyo na nga ako dito sa bahay ko"

"Gusto mo samahan kitang mamasyal?" Alok ko dito, tamang takas lang sa trabaho kapag nagkataon na pumayag siya.

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz