Chapter 13 - Truth

6 1 0
                                    

Truth

"Tao po" katok namin sa pinaka malapit na bahay na natunton namin.

"Wala naman atang tao dito," paepal ko naman sakaniya.

"Meron 'yan, magtiwala ka lang"

"Walang ilaw kaya walang tao 'yan."

"Syempre malay mo nawalan sila ng kuryente dahil nga malakas ang ulan"

"Anong kailangan niyo?" Tanong ng isang bata sa gitna ng pagtatalo namin ni Apollo.

"Ah ano kasi nasiraan kasi 'yung sasakyan ko at wala naman kaming ibang mahihingan ng tulong dito kundi kayo kasi kayo lang 'yung malapit na bahay sa kung saan kami nasiraan"

"Apo, sino ang nandiyan?" Boses ng isang matanda ang narinig namin.

Agad naman na tumakbo sakaniya ang kaniyang apo para alalayan siya papunta sa amin.

"La, nasiraan daw ang kanilang sasakyan"

"Magandang gabi po," bati ko at bumati din naman ang kasama ko.

"Totoo ba iyon o baka naman niloloko niyo lang kami dahil parte 'yan ng modus niyo?" Tanong sa amin ng matandang babae kaya natawa kami nung bata na kasama niya samantalang ng tignan ko ang aking kasama ay nakakunot ang kaniyang noo.

"La, sa mukha ko po bang ito ay mukha po akong nangmomodus?" Tanong nito at idinukdok pa ang kaniyang pagmumukha sa harap ni Lola.

"Kahit na gwapo ka ay mahirap pa rin na magtiwala ngayon," sagot sakaniya nito.

"La tama na nga ang pakikipagbiruan sakanila, patuluyin mo na sila kasi alam ko naman 'yun ang gagawin mo at anong oras na kailangan mo ng matulog" paalala sakaniya ng kaniyang apo.

"Sanay ba kayong matulog na walang kuryente? Sainyong balat ay makikitang mukha kayong mayayaman"

"Ay opo sanay po kami sa ganun, wala po tayong magiging problema dito lola" agad ko namang sagot dahil sanay talaga ako sa ganun kahit noong nata pa ako.

"Itong gwapong ito baka may reklamo?"

"Nako hayaan na po natin 'yan, diyan nalang siya sa labas kapag ayaw niya po" hinawakan ko naman ang isang kamay niya para maalalayan ko din siya.

"La wag kang ganun, kaya ko po ang mga ganiyan, saka hindi makakatulog ang misis ko kapag hindi niya ako katabi" inakbayan pa ako nito pero inalis ko agad ang kamay niya.

"Hindi po totoo 'yung sinasabi niya, 'wag kayong maniwala" pagtanggi ko pa.

"Nako iha 'wag na kayong mahiya sa amin, sanay na ko sa mga kabataang mahaharot" grabe yung maharot ha pero ang funny ni Lola.

"Ako nga pala si Lola Marites at ito naman ang aking apo na si Gianna" bakit kapangalan nung—

"Wow La, kapangalan mo 'yung kapitbahay naming chismosa" agad naman siyang binatukan ng matanda kaya tawa kami ng tawa, bakit parang nabasa niya 'yung nasa isip ko.

Pinapasok na kami nito at sinabing isang kwarto lang ang bakante na mayroon sila, doon natutulog ang kaniyang apo na si Gianna ngunit dahil nga gusto nila kaming tulungan ay kay Lola Marites nalang daw muna siya tatabi ngayong gabi.

"Oh hindi 'yan sound proof ha, kung gagawa kayo ng milagro hinaan niyo lang, ayokong mainggit" paalala nito sa amin na ikinamula ko naman.

"Takpan niyo nalang ang tenga niyo lola para hindi kayo mainggit" sabi nitong si Apollo kaya naman tinakpan ko ang kaniyang bibig.

"Lola tara na nga sa kwarto at mukhang nahihiya na ang mga bisita natin dahil sa mga sinasabi mo" masayang saad nung bata, parang wala siyang kaproble problema.

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)Where stories live. Discover now