Chapter 6 - Stalker

11 1 0
                                    

Stalker

"Ano na naman bang kaartehan 'to Kai?" 'yan ang bungad ko sakaniya pagkarating ko sa ospital kung saan siya nakaconfine.

Nagaadik ata 'to, uminom ng madaming vitamins, akala ata maooverdose siya nun.

"Why are you mad? Aren't you worried about my situation?" She looks a little bit miserable because of her situation but i'm not worried anymore, tama na ang kalokohan.

"Should I worry that you took all your vitamins at once? Or should I laugh because you took all your vitamins and you think it will overdose you?"

I'm not bitter or something pero hindi ko lang maintindihan bakit ako ang kailangan niya sa panahon na ito pero hindi naman ako ang pinili niya.

"Why are you like that to me? I need you right now Apollo, 'di ba kapag naman may nangyayari sa aking ganto noon, ikaw ang kailangan ko?"

"Yun nga ang problema Kai,"

"Anong problema dun?" May gana pa talaga siyang magtaka.

"NOON yun at ano kapag kailangan mo ko dapat lagi akong nandyan pero nung mga panahong dapat na kailangan kita, iniwan mo ko sa ere di ba?"

"Apollo hindi ko pa kasi maamin sa sarili ko noon na---" pinutol ko na ang sasabihin niya at tumawa ng pagak.

"Bakit ko nga ba binabalikan 'yun? Dapat pala hindi na natin balikan kasi hindi na pala kailangan, tawagan mo 'yung asawa mo kasi iba na ang sitwasyon natin ngayon. Hindi ako ang kailangan mo tawagan kapag may kailangan ka kasi hindi kita obligasyon" nakita ko ang pamumuo ng luha sakaniyang mga mata.

Oo masyado ng masakit ang sinasabi ko pero totoo naman 'yun, pinapupunta niya ako dito kahit may asawa na siya. Anong gusto niyang mangyari? Magmukha akong kabit?

"I just want to have some quality time with you at pakiramdam ko ito nalang ang paraan para makapagusap at harapin mo ako ulit" so dahil sakin kaya niya binalak magoverdose? Adik na ba ang isang 'to?

"Itigil mo na 'yung ganyang kahibangan Kai kasi pamilyado ka ng tao, hindi ko gusto na manira ng ibang relasyon para lang sa kasiyahan ko at sana ganun ka din"

"Pero pakiramdam ko mas sasaya ako sayo"

"Iniisip mo lang 'yan but try to communicate well with your husband and you will know the true meaning of happiness."

"But I don't love him!" Matigas niyang saad. Sunod sunod na ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Oh anong gusto mong maging reaksyon ko?"

"Aren't you happy that we have a chance?"

Natawa ako dahil sa sinabi niya, anong dapat kong ikasaya dun?

"Minsan gusto ko nalang din isipin na bakit kaya kita nagustuhan kahit ganyan 'yung pagiisip mo." Napapailing ako sa mga sinasabi niya.

Epekto ba 'to ng maraming nainom na vitamins? Masyadong naging masustansya ang utak na para bang nabaliw na.

"Apollo ako nalang kasi ulit!" Inaabot niya ang kamay ko pero inilayo ko ito sakaniya para hindi niya ito maabot.

"Anong gusto mo? Maging kabit mo ko? Inaalok mo ko na tayo habang may isa ka pa? Ah may reserba. Kahit gaano man kita kamahal Kai, hinding hindi ko gagawin 'yan. Ginusto mo siya, panindigan niyong dalawa."

Tumalikod na ko para maglakad na sana pero niyakap niya ako mula sa aking likod. Napapikit nalang ako dahil sa frustration.

"I'm sorry Apollo, kung galit ka sakin dahil sa ginawa ko noon patawarin mo na ako at tanggapin ulit ngayon." Nababasa na ang damit ko dahil sa mga luha niya.

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)Where stories live. Discover now