Chapter 9 - Drunk

9 1 0
                                    

Drunk

Hawak hawak ko ang cellphone ko ngayon habang nasa veranda ako, medyo malamok na pero kaya ko pa naman itong tiisin.

I tried to call her again kahit ilang beses niya ng nirereject ang tawag ko.

"Please answer my call, Destiny" alam kong hangin lang naman ang makakarinig sa sinasabi ko. Nang hindi niya na naman ito sinagot muli parang gusto ko nalang itapon ang cellphone ko dahil wala naman itong kwenta.

Legit ata na mababaliw ako kasi hindi ko alam kung nasaan siya at kung ano na nga ba ang nangyari sakaniya. Napakakulit naman kasi na nilalang nun, alis ng alis kung kailan gabi na.

"Oh ano nahanap niyo ba?" Tanong ko sa kaibigan ko na isa sa may pinakamalaking pagmamay-ari ng bar dito sa Maynila.

Kanina pa ako nanghihingi ng tulong sa mga kakilala ko para kung makita man nila ay pupuntahan ko na ito at susunduin.

"Oo pre, nandito sa bar ko, pupuntahan mo ba?" Tanong sa akin nito sa kabilang linya.

"Syempre, bakit ko pa ipapahanap kung wala naman pala akong balak puntahan 'di ba?" Sarkastiko kong sagot dito, minsan talaga hindi ko alam bakit ko nagiging kaibigan ang mga ito.

"Malay ko ba kung balak mo lang pamanmanan sa amin kung may umaagaw na ba ng pagmamay-ari mo"

"Bakit niya papamanmanan, sakaniya nga ba 'yun?"

"Hindi natin sure"

'yan ang mga kantyawan na narinig ko sa kabilang linya, sarap talaga pagsasapakin ng mga ito.

"Malasing sana kayo at hindi makauwi" binabaan ko na sila ng tawag.

Hindi pa rin ako nakakapagbihis dahil sa pagcontact kung nasaan ang babaeng 'yun at ngayon pupuntahan ko siya ng nakaoffice attire pa din ako. Wala namang masama kung ganito ang suot sa bar, wala na kong time para sa ibang bagay kaya bahala sila sa buhay nila kung anong iisipin nila kung bakit ganun ang suot ko.

Papalabas na ako ng gate at kailangan kong buksan ito bago makalabas ang sasakyan ko kaya bumaba muna ako ng kotse.

Pero ng pabalik na sana ako sa may sasakyan ko ay may nakita akong paparating na sasakyan, ang lakas ng ilaw ha. Ano sisilawin ba nito ang bawat madadaanan niya? Tinalo niya pa ang liwanag ng araw. Mas bagay pa dito ang tagline ng Meralco na, "may liwanag ang buhay".

Wala naman na sana akong pakialam dito pero sa tapat ng bahay ni Destiny ito pumarada at napakasayang buhay nga naman, hindi ko na ito kailangan pang sunduin sa bar dahil may ibang naghatid na pala!

Agad na nag-init ang ulo ko ng makita ko na pinagbuksan nito ng pinto si Destiny, medyo madilim kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. Nang pababa na si Destiny ay hindi nito nabalance ang sarili niya kaya bumagsak at napayakap siya dun sa naghatid sakaniya. Wow ano 'to teleserye sa gabi? Ang ganda ha!

Nang makalapit ako ay itinulak ko naman kaagad ang lalaki para mapalayo si Destiny dito at ako na ang humawak sakaniya.

"Oh easy there man" nagsalita 'yung lalaking nasa likod ko na ngayon at medyo nabosesan ko siya kaya naman hinarap ko ito.

"Tangina ka talaga, Andreus. Isusumbong kita kay Tania, nambababae ka pala ha"

"Hoy sumbungero ka talaga 'no? Hinatid ko lang 'yang babae kasi lasing na lasing at pasalamat ka nga niligtas ko pa siya sa mga gustong mag-uwi sakaniya"

"Oh talaga ba? Kung hindi siguro kita isusumbong kay Tania baka hindi mo nga 'to inuwi pero dito ka naman sa bahay niya may gagawing 'di maganda"

"Tulad mo naman ako sayo na may girlfriend na pero naguuwi pa din ng ibang babae"

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)Where stories live. Discover now