Chapter 16 - Date

3 1 0
                                    

"Hoy baka naman matunaw ako sa kakatingin mo ha?" Nandito siya ngayon sa condo ko dahil nakikikain na naman, simula ng dumating siya dito ay hindi na ito matigil sa kakapunta sa condo ko. 

At talagang binili niya pa ang condo na katabi ko para daw nababantayan niya ko kasi daw baka umalis na naman ako, like saan naman ako pupunta 'di ba?!

"Mabuti nga at tinitignan ka ng magandang mata ko na ito, isang oportunidad na titigan ka ng isang Apollo Keegan Moreal" hindi talaga nawawala ang ngisi niya sa labi na para bang laging nangiinis o nagyayabang.

"Nauso siguro 'yung salitang kayabangan nung pinanganak ka ng mama mo." Syempre isama na natin 'yung salitang gwapo pero di ko na sasabihin verbally.

"Oo na soon to be mama mo na din," hindi ko alam kung bakit ako namula sa sinasabi niya, parang tanga talaga 'to.

"Hindi natin  sure dahil hindi natin hawak ang mga mangyayari" ibinaling ko sa iba ang mukha ko dahil baka makita niya ang pamumula ng mukha ko.

"Hindi daw sure pero kinikilig, masyado ka ng nahuhulog sa akin ha" hindi ito nakatakas sakaniya at sinundot niya pa ang tagiliran ko.

"Mas hulog ka kaya sakin, inlove na inlove ka nga sakin kaya mo ako sinundan dito 'di ba?" akala mo ha, may panama ako sayo.

"Okay, hindi ako makakailag diyan dahil inaamin ko na totoo naman." itinaas niya ang kamay niya na parang sumusuko kaya naman natawa ako.

"I love you," napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya, ang seryoso ng mukha niya. Ngayon ko lang ito muling narinig sakaniya.

"Baliw, anong nakain mo ha?" kung ano ano nalang kasi ang lumalabas sa bibig niya pero syempre pabebe lang ako pero gusto ko naman.

"Baka kaya ako nagkakaganito kasi wala pa akong kinakain. Papakain ka ba?" nanlaki ang mata ko at agad siyang pinalo.

"Bastos! Kung ano ano ang pinagsasasabi mo" tinakpan ko naman ang katawan ko gamit ang dalawang kamay ko.

"Ang OA, love ha. Mukha ka namang masarap," tumigil ito sa sinasabi niya at tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa.

"Pero mas masarap pa din ang pagkain kaya 'wag kang magassume na ikaw ang tinutukoy ko" tumawa ito ng malakas, napaka walanghiya talaga, pahiya na naman ako.

"Ewan ko sayo, magluto ka ng sarili mong pagkain sa bahay mo" padabog akong tumayo sa inuupuan ko at tinignan ang niluluto ko.

"Akala niya naman gusto kong magpakain sakaniya, hindi naman siya ganun kagwapo 'no" bulong ko sa sarili ko habang hinahalo ang niluluto ko.

Napapitlag nalang ako ng may yumakap mula sa likod ko. Kalma self si Apollo lang 'yan, tiisin mo muna kilig mo, pabebe muna tayo right now.

"Alisin mo nga 'yang kamay mo, hindi ako natutuwa sayo" pero ang totoo ay feel na feel ko ito, kapag ginagawa niya ang ganitong bagay naiisip ko na nasa isang palabas kami o isang kwento sa libro dahil doon ko madalas mabasa at mapanood ang ang ganitong scene kapag mag-asawa na sila o naglilive in na sila pero in the end naghihiwalay din, oh 'di ba ang saya.

"Nagtatampo naman agad ang baby ko, kala mo naman papayag ka kapag sinabi kong ikaw ang gusto kong kainin" isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at tila ba inaamoy ako.

"Hindi ako nagtatampo, Apollo kaya please lang lumayas ka sa ganiyang posisyon," papa kung nakikita mo man ito mula sa itaas, gabayan mo ako dito sa mundong puno ng tukso, ilayo mo ako.

"Ang bango naman ng baby ko," patuloy pa din talaga siya sa pagsinghot sakin, parang aso ang putek pero buti nalang at maaga ako nakaligo kundi baka kaasiman ang maamoy niya sa akin, edi nalait pa ako, knowing this man na puro pang iinis ang alam.

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें