Chapter 14 - Trust

6 1 0
                                    

Trust

"What happened to the both of you?" I asked because I want to know the real reason.

"She don't want to ruined our friendship" nakita kong nakatingin siya sa dalampasigan.

"Pero bakit nasira 'yung pagkakaibigan niyo kung ganun 'yung dahilan niya?"

"Hindi naman 'yun 'yung reason kung bakit nasira 'yung pagkakaibigan namin. Muntik ng makunan si Jira dahil sakaniya and we found out that her mom is the mistress of Jira's dad" paliwanag niya sa akin at napatakip ako ng bibig dahil sa nakakashock ang nalaman ko.

Kayang gawin ni Kai 'yun? Like I mean, masama 'yung ugali niya but I know that she can't do that lalo na sa kaibigan niya. And ngayon ko lang nalaman na ang papa pala ni Jira ang laging kasama noon ni mama.

"Ayos pa naman kami nung nafriendzoned ako kasi okay lang naman 'yun, kailangan tanggapin kaysa magmukmok. Pero 'yung maging ganun 'yung ugali niya at ilihim samin ang nalalaman niya ay hindi dapat,"

"Pagtapos pa nung mga pangyayari na 'yun nabalitaan nalang namin na ikakasal na siya, we don't even know who's that boy kasi wala siyang ipinakikilala sa amin. Aaminin ko noong mga panahon na 'yun nasasaktan pa rin ako kahit halos 5 years na din 'yung nakakalipas, I dated so many girls in States pero ang hirap, pero unti unti na din naman nawawala noon"

Nasa kasal nila ako noon, pinapanood ko kung paano nila pangakuan ang isa't isa sa altar at sa harap ng maraming tao. Kahit naman na hindi maganda ang pakikitungo nila sa akin ay inimbitahan pa rin nila ako sa pangyayari na kasal na 'yun.

"She invited me to go to that wedding. Pero para hindi masabi na bitter ako ay dadalo sana ako kaso I have a business trip in the same date. But the question in my head is, she's aware of what I feel pero bakit kailangan niya pa akong imbitahan dun? Ano para ba ipamukha na 'hoy wala ka ng pag-asa sa akin, ikakasal na 'ko'" tumawa naman siya habang nagkkwento. Alam ko kung gaano kasakit ikwento 'yung mga ganitong ala ala kahit na nakakalimot na siya.

Hindi naman porket nakakalimot tayo ay hindi na tayo pwedeng masaktan. We can forgive in everything but we can't forget those happenings that happened.

"That's a sad story of yours" komento ko habang nakatingin sakaniya, humarap naman siya sa akin at nginitian ako.

"That's a sad story but when you came into my life, my happy story has been started." Hindi ba talaga mauubusan ng kasweetan sa katawan ito.

"You used girls just to forget her?" Pagiiba ko ng topic, I want to know everything about him.

"Hindi ko gustong ipagmayabang 'yung mga ganong bagay kasi pinagsisisihan ko 'yun, I know that using people is wrong"

"I'm scared that you just only used me too" tinawanan ko ang sinabi ko at ako naman ang humarap sa dalampasigan ngayon.

"It's been 8 years, Destiny at sa tingin mo ba ay hindi pa rin ako nakakalimot sakaniya?"

"Hindi natin alam," nagkibit balikat naman ako.

"I won't court you if I haven't move on"

"Do you really like me?" Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yung lakas ng loob ko para itanong ito but this will be the last time kaya hindi na 'ko mahihiyang harapin siya sa mga susunod pa na araw.

"Of course, I really do. Hindi ko ba napaparamdam sayo yung nararamdaman ko?" Umiling lang ako at nginitian siya.

"Hindi naman sa ganun, gusto ko lang makumpirma kasi mahirap 'yung sweet tayo sa isa't isa tapos baka bigla nalang akong mag-assume ng ganto ganyan" pagrarason ko.

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon