"Birthday nya ngayon, wala din naman syang kasama sa kanila bukod sa kapatid nya kaya minabuti ni Tay Eman na ipaghanda si Poy." sabi nya na ikinatango-tango ko. 

"Sakto pala ang dating namin! I can actually celebrate with you all." I said and he just smiled at me, amused with my excitement for celebrating with them eh talaga namang natutuwa ako sa coincidence. 

Nang huminto kami sa kung saan nakatigil ang kotse, kinatok ko ang bintana sa driver's seat na ibinaba naman ng kaunti ni Zeke so he can hear me.

"Zeke, join us in Tay Eman's shop. Pero can you kindly order a birthday cake sa may bayan na nadaanan natin? Thank you." I said and he nodded before maneuvering the car.

"Hindi ka na sana nag-abala pa." sabi ni George habang parehas naming pinapanuod ang papaalis na sasakyan, with Zeke's agility, mabilis lang yong makakabalik.

"Wala yun no, it's the least I can do for Kuya Popoy since wala din akong dalang gift for him." I said when I looked at him.

I gave him a smile before hooking my arms to his as we walk together towards the shop.

"Pansin ko lang George, tahimik ka na before pero mas tahimik ka ngayon. Is there something wrong?" I asked while peeking at his face pero umiling sya.

Narinig ko pa syang huminga ng malalim pero mukhang ayaw nyang pagusapan muna kaya hindi ko na pinilit.

"Alam mo ba George Archival--"

"Buong-buo?" tanong nya dahil sa itinawag ko sa kanya na ikinatawa ko bago sya pabirong hinila para maglakad ulit kasi tumigil talaga sya kanina.

"May chika ako George Archival so listen!" I said, chuckling that made him laugh a little too, but he nodded afterwards.

"So ayun nga, I have this workmate, sya kasi yung second in charge sa team. Eh dahil wala yung talagang team leader namin, sya ngayon yung parang boss sa group namin tapos sa akin nya ipinapasa lahat ng reports!" pagrant ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya.

"Yung kinwento mo last time?" napailing sya, "Tsk, nahahawa na ako sayo." naiiling na sabi nya na ikinatawa ko talaga habang nakahawak yung isang kamay ko sa braso nya at ang isang kamay ay sapo ang tyan ko.

"Oo, yung kinwento ko last time," I stopped to pinch one of his cheek. "Ang cute mo Georgy~!" biro ko na ikinasimangot nya.

"Hindi bagay sayo." he said that made me gasped. Oh no he didn't!

"Ano? Kasi mas gusto mo si Clarissa ang tumawag sayo non??" nakapamewang na tanong ko sa kanya na ikinangiti nya.

"Mas gusto ko yung George Archival." sabi nya na ikinakagat ko sa pangibabang labi para sana pigilan ang pagngiti pero hindi ko na din nagawa.

"Hmp! Akala ko ba ayaw mong tinatawag ka sa buo mong pangalan?" tanong ko pa kuno pero fishing for information lang naman ako.

"Ikaw lang ang bukod-tanging pwede." sabi nya na ikinatawa ko na bago itinapat sa kanya ang hintuturo ko.

"Lagot ka, susumbong kita kay Tay Eman sa sinabi mo." biro ko pa na ikinatawa lang nya ng mahina bago ako hinawakan sa siko para ilapit ako sa kanya.

Nagulat pa ako sa ginawa nya pero hindi na din ako nakaimik at napangiti na lang nang bitbitin nya gamit ang isang kamay ang mga dala ko kanina at iniakbay nya ang isang braso sa akin saka kami sabay ng naglakad papunta sa shop.

I smiled while feeling his warmth and the fresh air surrounding us, the clouds are a shade of orange this time and the trees' leaves were swinging in the air like their dancing. Everything seems so perfect at that moment so I grab my phone from my blazer's pocket before stopping.

Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon